CHAPTER 68 - FEELINGS

18K 299 30
                                    

JESX' POV

Nakakasakit ng ulo! Hindi na ba maaalis ang pagmumukha ng Sky na yun sa isip ko. >_<

Lagi ko nalang naaalala yung ginawa niya nung Foundation Day tapos patuloy pa rin siya sa pagsabi ng kung anu-ano sa tuwing nagkakasalubong kami ( _._)

"Aishiteru."

"Leche naman Sky! Tama na!" sigaw ko sa kanya

"Hahahahaha!" asar naman! =_=

"Tigilan mo na ako! Wag kang susunod!" sigaw ko sa kanya

Ilang araw na ba akong nabibingi sa lakas ng tibok ng puso ko sa tuwing magsasalita siya ng ganyan. *Sigh*

"Bakit ba kasi hindi ka nalang maging mabait sa akin?" ang tigas ng ulo niya! Sinabi ng wag akong susundan, sumunod pa rin.

Hinarap ko siya ulit at tinignan siya ng masama "Sky, please lang naman, break muna okay?" ang hirap naman kasi nitong nararamdaman ko. Kaba ba to o ano na nga ba to?

"Bakit ba ayaw mong sinasabihan kita ng I--" agad ko ng tinakpan ang bibig niya bago pa siya magsalita ulit

Quotang quota na siya!

"Anu ba yan!!" sigaw ko ng maramdaman kong hinalikan niya ang palad ko na nakatakip sa bibig niya.

Siya naman parang sira na pangiti ngiti.

"May sasabihin ako." sabay lapit niya sa akin

"Wag kang lalapit! Ayoko ng marinig yan! Baka mamaya mahulog na ako ng tuluyan sayo, mahirap na, masasaktan si T.O.P!"

Nanlaki naman ang mga mata niya sa sinabi ko. Teka, wala naman akong nasabi na nakakagulat diba?

"Malapit ka ng mahulog sa akin?" sabay lapit niya nanaman sa akin kaya automatic kong naitaas ang mga kamay ko para ipangharang sa kanya

"Wag lalapit sabi eh!"

>///////////////<

Oo na, namumula na ako! Ramdam ko yun! Bigla ba naman kasi akong hilahin ni Sky kaya sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa.

"Huwag mo ng pigilan ang sarili mo na mahulog sa akin."

Anu ba naman yan? Hindi ko na ba talaga mapipigilan to? >///////////<

***

CARSE'S POV

"Micah and Lhei, mas masaya yata kung pati sila e may boyfriend na."

Nandito kaming tatlo sa hallway. Malapit na ang February at iniisip namin kung paano kaya nito ang JS Prom. Naeexcite kami dahil ngayon lang kami magaattend tapos may boyfriend pa kaming gwapo na kasama.

"Oo nga, para naman may partner sila." sagot ni Lhei

"Pero mukhang wala pa silang balak sagutin ang mga manliligaw nila." sabi naman ni Micah

Masaya sana yun, lahat in a relationship. Bongga! ^_^

"Ang bagal naman kasing manligaw ng mga gangsters na yun." sabi ko ulit

"Mabagal silang manligaw? O talagang ayaw lang ng mga kaibigan natin sa kanila?" tanong ni Lhei

"Hayaan niyo muna kasing patunayan ng mga yun ang mga sarili nila sa kanila." tama nga naman ang sinabi ni Micah

Siguro nga may kailangan pang patunayan ang mga yun bago sila sagutin ng mga kaibigan namin.

Bakit ko ba sila pinoproblema? Nasaan na nga ba ang snickers ko?

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon