Chapter 38 - I THINK SHE LIKES HIM

22.9K 466 23
                                    

Chapter 38 - I THINK SHE LIKES HIM

LEI's POV

"Oh Ash, baka naman tumingin ka lang dyan ha. Kausapin mo naman." sabi ni Max kay Ash na ngayon ay pababa na mula sa van.

Hindi lang siya pinansin ni Ash at isinara na yung pinto ng van.

"Ganun ba kahirap magconfess?" tanong ko kay Max na ngayon ay nagdrive na ulit

"Hindi mo kasi alam ang buong story kung paano at kung bakit ganyan si Ash sa kanya."

"Tama ka dyan. Basta ang alam ko lang e matagal na siyang may gusto at lately lang din naman naging open si Ash na siya pala yun."

"Kung nagtataka kayo dati kung bakit siya bigla nalang umaalis sa tuwing nasa bar tayo ni Cliff, isa lang naman ang dahilan nun."

"Alam ko na yan. Ang gusto kong malaman ngayon kung paano niya nakilala? Paano siya nainlove sa babaeng tinitignan niya lang mula sa malayo? Parang ang labo kasi nun."

"Hindi mo yan maiintindihan unless mainlove ka na."

"Kung makapagsalita ka Max parang nainlove ka na ha."

"Yun nga eh, hindi pa. Mas masaya kayang magbasa ng libro mas marami pa akong nalalaman dun."

"Edi magbabasa nalang ako ng libro para magets ko si Ash. O kaya wag nalang pala, nakakatamad magbasa. Mas gugustuhin ko pang magpafacial at magpa-spa nalang."

Maya-maya lang nakarating na kami sa harap ng bahay ng aking cheezycake. Sa wakas at maaasar ko nanaman siya. Hahaha.

"Anong ginagawa mo dito?!" biglang may sumigaw

"Cheezycake?! Ikaw yan diba? Nasaan ka? Bakit boses ka nalang? Cheezycake wala ka na ba? Minumulto mo na ba ako?!"

"Siraulo! Dito sa tindahan!" humarap naman ako dun sa may tindahan at nandun nga ang multo ni cheezycake

"Ikaw ba ang multo ni cheezycake?"

"Tss! Maghintay ka dyan para mabatukan kita!"

"Hehehe joke lang!" lumabas nga si cheezycake pero imbis na sa akin lumapit, lumapit ba naman sa van namin

"Oh Max, nandyan ka pala." sabi niya

"Hi Lhei! Kamusta?"

"Heto ayos naman." aba't nakangiti siya kay Max?

"Mabuti naman. Sige aalis na ako. Hinatid ko lang yan si Lei. Gusto ka daw makasama eh." humarap naman sa akin si cheezycake at tinaasan ako ng kilay

"Wag ka na muna umalis. Dito ka nalang din." offer niya kay Max

"Hindi pwede. Babalik na yan si Max sa villa."

"Sige na Max, please?" panay ang ngiti nito Max, hindi kaya?

"Sige." at ngumiti rin si Max tapos pinarada na sa loob ng garahe nina cheezycake yung van

"Buti naman at pumayag ka. Gagawa kasi ako ng fruit salad mamaya, gusto kong matikman mo."

"Ako rin gusto kong matikman!"

"Sino bang may sabing ipapatikim ko sayo?"

"Cheezycake naman!"

"Aish! Tigilan mo ko sa cheezycake na yan! Tara na Max pasok na tayo sa loob, mainit dito sa labas."

"Oo nga." at sumunod naman si Max

"Tama! Masamang nabibilad ang kutis ko."

"Teka, sabi ko Max. Kaya ikaw dyan ka nang mabilad ka talaga."

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon