Chapter 43.5 - HE's OFFICIALLY COURTING ME

20.9K 384 16
                                    

Chapter 43.5 - HE's OFFICIALLY COURTING ME

MICAH's POV

Minsan, talagang nakakatamad din mag-aral. Pakiramdam ko, antok na antok ako habang pilit na nakikinig sa teacher namin.

Buti naman at absent ang sunod naming teacher kaya ayan mahaba ang break. Nagdecide ako na magpunta sa library, hindi para magbasa, kundi para matulog dun. Maiintindihan naman ako ng aking mga pinakamamahal na libro kung hindi ko muna sila babasahin ngayon.

Buti nalang at tahimik dito sa library. Makakatulog ako.

"Akala ko hindi ka magbabasa ka kaya ka nandito." boses ni Cliff yun, napatingin ako at nakita kong nasa harapan ko na pala siya.

"Anung ginagawa mo dito?"

"Sinundan kita. Sige na matulog ka na muna, babantayan nalang kita." babantayan niya raw ako?!

"Hindi na kailangan. Alis na."

"Gusto ko nandito ako para bantayan ka."

"Ang kulit mo rin talaga. Bahala ka nga." tapos yumuko na ako sa mesa. Bahala siya dyan.

"Cliff! I miss you!" boses yun ng ex-girlfriend niya kaya naman napatingin ako. Pag tingin ko, ayan at nakapulupot yung ex niya sa kanya. Napataas naman ako ng kilay.

"Teka nga Micah. Nasa library tayo."

"I don't care. I miss you so much." sige pa rin siya sa pagyakap. Tss. I miss you daw? E lanjot naman nito, may boyfriend siya niyan.

"Mukhang hindi ako makakatulog dito." sabi ko tsaka na ako tumayo

"Wait Mic-Misty!" sabi ni Cliff. Oo nga pala, Misty nga pala ako pag sa harap ng ex niya.

"Nandito pala ang new girlfriend mo, hindi ko siya napansin." if I know napansin mo ko at malanjot ka lang talaga. Nasaan ba ang boyfriend nito nang maisumbong ko?

"Misty, wait." nakalapit na sa akin si Cliff

"Oh bakit? Dyan ka muna at makipaglandian sa ex mo." sabi ko tsaka ko tinabig ang kamay niya at lumabas na sa library bago pa ako mapagalitan ng librarian dahil napalakas ang pagkakasabi ko nun.

"Misty!" nakalabas na rin pala tong si Cliff

"Hayaan mo na siya Cliff. Nandito naman ako. Hindi mo ba ako namiss?" ang flirt lang ng ex niya

"Micah, she's my new girlfriend. Please, stay away from me." new girlfriend? Ewan ko sa inyo!

Binilisan ko na ang paglalakad pero biglang may humawak sa kamay ko.

"Wait."

"Ano nanaman ba?"

"Wag mo nalang siya pansinin. Pwede ba yun?"

"Pakialam ko naman sa inyo ng ex mo."

"I'm courting you. Kaya alam kong affected ka." tss. Feeling naman nito. Pero oo sige na, medyo affected na, kasi naman nanliligaw daw siya sa akin tapos hahayaan niyang yakapin siya sa harap ko ng ex niya? Unfair yun diba?

"Hindi ako affected! Wala akong pakialam kahit makipaglandian ka sa ex mo!" tsaka na ako naglakad ng mabilis. Naiinis kasi talaga ako sa kanya lalo na sa ex niya.

Paglingon ko, ayun at hinaharot nanaman siya nung ex niya. For sure gustong gusto ng Cliff na to ang kaharutan ang ex niya.

"Tsss. Nakakainis!" tumalikod na ako ulit at naglakad na. Asar naman talaga!

"Micah!" sigaw yun ni Cliff. Wag kang titingin Micah, yung ex niyan ang tinatawag niya at hindi ikaw.

"Micah!" pagtawag niya ulit and this time nahabol na niya pala ako at hawak na ang kamay ko

"Kanina pa kita tinatawag."

"Ah ako ba tinatawag mo akala ko yang ex mo eh."

"Bakit mo siya tinatawag na Micah?" tanong nung ex niya

"Kasi yun talaga ang name niya. Her name is Micah. Magka pangalan kayo."

"Really? Ibig sabihin ba nun talagang naghanap ka ng kapangalan ko pa para maging girlfriend mo?" nakangiti nitong sinabi. Lokong Cliff to, sinabi na, so ayan nga as expected ganyan ang magiging reaction nito.

"No and I want to inform you that she's not even my girlfriend." sabi ni Cliff. Tsss sinabi niya na rin ang tungkol dun. Okay, hindi na ako girlfriend. Mabuti naman kung ganun.

Nagsmile ang ex niya na sobrang nakakasilaw, tuwang tuwa siya

"That means, she's just your fake girlfriend. And you did that for me to get jealous? Diba?" bigla niya nalang niyakap si Cliff kaya naman nabitawan ako ni Cliff.

"Okay, enjoy hugging each other folks! Babye!" at paalis na ako ulit. Hindi ko na kailangang makita pa ang ganitong eksena.

"Tama na Micah. Kaya ko sinabi na sayo ang totoo kasi gusto kong malaman mo na nililigawan ko siya." narinig kong sabi ni Cliff

"No! Hindi yan totoo. I know, mahal mo pa ako."

"I don't know. Ang alam ko lang ngayon, si Micah, not you, but her. Siya ang gusto kong makasama ngayon. Just stay with your boyfriend, my cousin." napaharap na ako dahil sa mga narinig ko, nakita kong mangiyak ngiyak na yung ex niya. Humarap na sa akin si Cliff, then he smiled at me.

"Sabi ko naman, papatunayan ko ang sarili ko sayo." at lumapit na siya sa akin pagkatapos hinawakan niya ang dalawa kong kamay.

"Gusto kong magumpisa tayo ulit. This time yung totoo na. Hindi yung pinapakilala kitang girlfriend sa kanila. Dahil gusto ko, next time na maipakilala kita sa kanila, masasabi ko ng ikaw si Micah Meester, ang girlfriend ko."

OMG! Can someone please pinch me?! Hindi ko yata kakayanin tong pinagsasabi ni Cliff? Nakakaloka!

"Micah, are you okay?"

"Cliff, kailan ka ulit lalayasan ng gwapong anghel? Pwede bang pakibalik ang evil freak na kilala ko?"

"Tara na nga, balik na tayo sa room. ^_^" sabay akbay niya sa akin at nagpunta na kami sa room.

Feeling ko magmemelt ako ngayon. >///////<

***

SECRET POV (sikreto muna kung kanino POV to)

She's crying again. She's crying coz of him. Hanggang kailan ba siya iiyak nang dahil sa kanya? Hindi ko man lang ba magawang mapawi yung sakit na nararamdaman niya? Nasasaktan ako kapag nasasaktan siya.

"Is he happy with her? *sniff* I can't believe this! He's mine! He's only mine!"

"Please, stop. Wag ka ng umiyak."

"Alam mo naman diba? Alam mo kung bakit ko siya iniwan? Alam mo kung gaano kasakit sa akin na hiwalayan siya at makitang nasasaktan ko siya diba? Alam mo lahat."

"Oo, kaya nga tinulungan kita diba?"

"Tulungan mo ko ulit na magkabalikan kami. Hindi ko kayang mawala siya sa akin ngayon. I need him."

"He likes someone else. Hindi na madali na magtiwala pa siya sayo."

"Sasabihin ko na ang lahat ng totoo sa kanya. Lahat lahat. I don't care kung kaawaan niya lang ako o kung magalit man siya sa akin. Ang mahalaga sa akin ay wag niya akong iwan. Gusto ko na nasa tabi ko siya."

"Hindi na yan ganun kadali."

"Mahal niya ako. Alam ko yun, nararamdaman ko pa rin. Kaya kahit anu gagawin ko bumalik lang siya sa akin. Hindi ko hahayaan na mapunta siya sa iba. Hindi mangyayari yun dahil ako ang mahal niya."


I did help her, but this time, do I need to help her again?

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon