Chapter 29 - BOYS' moment??!

24.5K 522 20
                                    

Chapter 29 - BOYS' moment??!

MAX' POV

Nandito kami ngayon sa bar ni Cliff. Hulaan niyo kung anung ginagawa namin dito. Simple lang naman, nakaupo lang sa pwesto ng grupo namin at nakatunganga.

Bakit kami nakatunganga?

"Nakakainis na talaga tong babae na to!" sigaw ni Nick na kanina pa asar na asar. Malapit na nga niyang ihagis yang cellphone niya. Kanina pa kasi niya kinocontact si Carse pero hindi nagrereply sa kanya at hindi rin sinasagot ang mga tawag niya.

"Bakit ba hindi ko nakuha ang number ni Micah?" tanong naman ni Cliff sa sarili. Hindi nga yan kumanta ngayong gabi eh.

Kung tatanungin niyo pa ako sa kung anung ginagawa ng iba? Pare pareho silang mga wala sa sarili. Ako lang yata at si Ash ang nasa katinuan ngayong gabi.

"Tingin mo ba malapit ng mabaliw yang mga yan?" tanong ko sa katabi kong si Ash

Naghintay ako ng sagot pero hindi siya sumasagot. Paglingon ko sa kanya ayan lang naman at nakasalong baba. Akala ko pa naman kasama ko siyang nakatinuan pero parang hindi rin naman yata. Yan ang nagagawa sa kanila ng mga babaeng yun.

"Busit na Daryll yun! Hindi man lang binalik sa akin ang psp ko!" asar na sabi ni Blue

"Yung psp ba talaga o naiinis ka kasi hindi mo makikita si Daryll dahil bakasyon?" tanong sa kanya ni Eli

Blue: "Anung pinagsasabi mo?! Syempre gusto ko si--este yung psp ko!"

Eli: "Defensive ka bro! Pagkatapos mo siyang halikan kanina. Ako dapat ang first kiss niya. Tsk."

Blue: "So, may gusto ka sa kanya?"

Eli: "Pwede naman diba?"

"Ikaw anu naman ang problema mo Cloud?" tanong ko sa kanya

"Tinatanong pa ba kung sino?" sagot ni Sky

"Aish! Wala na kasing ibang bukambibig si Cherry kundi si Sky." sagot ni Cloud

Sky: "Magtapat ka na kasi."

Cloud: "Hindi naman ganun kadali yun."

Sky: "Anung mahirap dun? Napakadali lang yun."

Cloud: "Hindi yun kasing dali ng iniisip mo."

Nagsagutan na ang kambal. =____=

"Nakakainip din pala na wala kang kasigawan." sabi naman ni Yvo

"Tama ka dyan Yvo. Nabobored na nga ako eh. Magiging ganito lang ba kaboring ang Christmas vacation natin?" sabi naman ni Lei

"Nabobored ba talaga kayo o namimiss niyo lang sila?" sabay sabay naman silang tumingin sa akin sa pagkasabi ko nun

Si Ash lang ang walang pakealam sa kung anu man ang sinabi ko.

Blue: "At bakit naman namin sila mamimiss?!"

Cliff: "Bakit nga ba?" sabay hawak niya sa dulo ng baba niya

Nick: "Sa pagkakatanong mo niyan parang sinasabi mong namimiss mo nga sila. O baka naman yung naka nose-to-nose mo lang?"

Cliff: "May pangalan siya, siya si Micah."

Sky: "Aba! at talagang Micah na ang tawag mo sa kanya at hindi na Alien?"

Cliff: "Wala namang masama sa pangalan niya."

Yvo: "Maliban sa pangalan yun ng ex mo."

Natahimik naman si Cliff sa sinabi ni Yvo. Ipaalala ba naman kasi.

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon