Chapter 45 - START OF THE HELL MONTH

20.1K 368 28
                                    

Chapter 45 - START OF THE HELL MONTH

MILLE's POV

Kinabukasan

"Hehe ang cute nilang tignan na magkasama."

"Oo nga, infairness bagay sila."

"Kung titignan mo si Ash parang mabait e noh?"

"Kayo ba? Bet niyo ba yan maging jowa ni Mille?"

"Sa akin ayos lang, as long as magiging leader din ng Fierce si Mille tapos kakatakutan na rin tayo. Hahaha."

"Korak! Pero sayang di natin nakita ang abs niya kagabi. Hahaha"

Ang aga namang mag-ingay ng mga to.

"Ang ingay niyo." tsaka na ako nagdilat ng mata. Pero pagdilat ng mga mata ko, isang gwapong nilalang ang nakita ko.

"WAAAAAAH!" sigaw ko na nagpahulog sa akin mula sa kama

"Hahaha kung magulat naman kasi!" sabi ni Jesx. Nakuha pa talaga nila akong pagtawanan.

"Mille? Ayos ka lang?" agad tumayo si Ash mula sa kama at tinulungan ako

"Oo, ayos lang."

"E kasi naman Mille mashock ba naman kasi ng bongga? Nagpahulog pa sa kama?" sabi naman ni Lhei at nagtawanan naman sila ulit.

"Oy iwanan na muna natin yung dalawa. Tara muna sa kusina dali." sabi ni Micah at ayun buti naman umalis sila

Napatingin naman ako kay Ash na nakahawak sa ulo niya.

"Ikaw yata ang kailangan kong tanungin kung okay ba?"

Napatingin siya sa akin habang hawak pa rin ang ulo "Bakit ako nandito sa apartment niyo?"

"Wala kang naaalala?"

"Ang huli kong naaalala pumunta nga ako dito, pero hindi ako pumasok."

"Nahimatay ka kasi kaya ipinasok ka namin dito."

"Ganun ba, pasyensya sa abala." tumayo na siya at aktong aalis na

"Teka, kaya mo na ba?"

"Oo kaya ko na. Salamat." naglakad na siya at lumabas.

"Saan pupunta yun?" tanong ni Aliss

"Aalis na raw. Teka, susundan ko baka kung mapaano yun."

Paglabas ko naman nasa harapan siya at kausap si Max. Bakit nandito si Max? Kagabi na tinatawagan namin sila hindi sila macontact, ngayon nandito na siya?

"Mille, salamat sa pag-aalaga dito." nakangiting sabi ni Max

"Wala yun."

Bago sumakay sa kotse si Ash, humarap muna siya sa akin at sinabing "Salamat ulit. Pasyensya rin."

"Wala lang yun. Ingat kayo."

Umalis na sila.

*Sigh*

Hindi na ako dapat magalala sa kanya. Okay na siguro yun.

***

JESX' POV

Nakarating na kami sa school. Bagong nakakapagod na araw nanaman to sigurado.

Nauna na sa loob yung mga kaibigan ko. Kinailangan ko pa kasing dumaan sa Principal's office para alamin kung kailan mag uumpisa ang pagaaral namin with the teachers. Alam niyo naman kailan pa rin naming paghandaan ang scholastic competition.

"Uy!" napatingin naman ako kung sino yung nag uy na yun

"Sino ka?" sigaw ko dahil wala naman akong nakikitang tao dito

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon