CHAPTER 65 - SYMPHONY SOLDIER

18.4K 334 16
                                    

MICAH'S POV

Yung Saturday ngayon at hindi lang basta Saturday kasi alam ng puso ko na pareho kami ng sinisinghot na polluted air ng aking favorite band The Cab.

"Ngayon na yung concert nila diba?" tanong ni Carse

"Tss! Naisipan mo pa talagang itanong sa akin, hindi mo ba nakikita ang panlulumo ko?" kainis naman kasi!

"Buti pa naman ako di nanlulumo." sabi ni Carse habang hinahumm pa ang Endlessly ng The Can

"Ako lang naman kasi dito ang number zero fan nila. Nahawa lang kita!" sigaw ko sa kanya. Asar! >_<

"Concert pala ng The Cab ngayon." sabi ni Jesx na tinignan ko ng masama

"Ulitin niyo pa. Hmp!" sabi ko sa kanila

Nakuha pa akong tawanan ng mga to. Ganyan talaga ang mga tunay na kaibigan, tinatawanan ang pinanlulumo mo. Very kind! ( _._)

"Bakit kasi hindi mo ginamit ang sweldo mo kay Mrs. Empire pambili ng tix?" tanong ni Lhei

"Alam kong Kpop fan ka Lhei, pareho tayong number zero fan ng mga sinusuportahan natin. FYI, binalak ko talagang bumili. Kaso---*sigh* ( _._)"

"Naubusan ka ng tix. Hahaha!" lakas naman tumawa ni Daryll. Kinakawawa nila ako!

"Sana nagpabili ka kay Cliff." sabi ni Aliss

"Gusto ko sana kaso nakakahiya naman. Isa pa, naubusan na ng tix bago pa maging kami."

"Uy Carse, wag ka ng pumunta sa concert, ibigay mo nalang kay Micah yung tix mo." sabi ni Mille

Teka, pupunta sa concert ng The Cab si Carse? May tix siya? Bakit hindi ko alam?

"Hoy Carse! Bakit may tix ka?!" sigaw ko sa kanya. Siya naman patuloy lang sa pagsusuklay.

"Sasabunutan kita pag hindi ka sumagot!" sigaw ko sa kanya sabay abot ng buhok niya. Muntikan ko na siyang masabunutan kung di lang ako pinigil nina Lhei.

"Dapat di niyo ko pinigilan!" sigaw ko sa kanila

"Oh edi sige sabunutan mo na!" sabay tulak naman nila sa akin. Ang babait talaga ng mga kaibigan ko.

"Chill lang Micah! Haha" nakuha pa akong tawanan ng Carse na to

"Hoy! Seryosong bagay to! Hindi ko yata matatanggap na makakapunta ka sa concert habang ako nakatunganga dito!" sigaw ko nanaman sa kanya. Nakakainis naman talaga! >_<

*Ding Dong*

"May bisita?" tanong ni Aliss sabay labas niya para tignan kung sinong bisita

"Sinong nandyan Aliss?" sigaw ni Lhei pero hindi sumagot si Aliss.

"Nakidnap na yata yun!" sigaw ni Daryll kaya kanya-kanya kaming kuha ng pwedeng pang self defense tapos agad kaming nagsitakbuhan palabas

"Aliss!!!!!!!" sigaw naming lahat

EKKKKKKKKKKK! >//////////<

"Napano kayo?" tanong ni Aliss sa amin

"Hahaha! Wala naman." sabi ni Jesx at nagsitawanan nalang kami.

Tawanan natin ang nakakahiyang pangyayaring to. Unti-unti naming ibinaba ang mga nakataas naming hawak.

"Magluluto ba kayo?" tanong ni Sky na halatang natatawa

"Hindi bro, baka naman maglalaba." sagot naman ni Blue na halatang natatawa rin

"Kayo naman, maliligo lang ang mga yan." sabi ng natatawa rin na si Yvo

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon