CHAPTER 54 - RUMBLE

19.8K 328 21
                                    

CHAPTER 54 - RUMBLE

ALISS' POV

Kamusta naman ang nangyaring confession under the rain ni Ash sa aming girlfriend na si Mille? Kilig diba? Kahit ako kinilig ng bongga.

Gusto ko pa nga sanang ipagpatuloy ang kakiligan ko pero dismissal na at ano bang ginagawa namin tuwing dismissal?

"Nasaan na yung sinusundan ko?" bigla nalang nawala si Yvo, nasa may shop lang na to yun kanina.

"Ako ba ang hinahanap mo." patay!

Dahan-dahan akong humarap sa kanya at automatic na naka peace sign.

"Hehe! Hello Yvo! ^_^V"

"Ikaw ha, gusto mo talaga ako noh?"

"Gusto agad? Nakita mo lang ako dito, gusto agad?"

"Ang cute mo talaga. Alam mo ba yun?"

"Matagal ko ng alam na ako ang pinaka cute sa aming lahat."

"That's what I like." sabi niya ng nakangiti

"Oh siya, aalis na ako." hindi naman talaga ako aalis, magtatago lang para masundan ko ulit siya ng di niya ako nakikita

"Dito ka lang. Samahan mo ako."

"Samahan saan?"

"Sa saturday na kasi ang 8th birthday ni Yno. Ako kasi ang magaasikaso sa children's party niya."

"And?"

"Gusto ko sanang tulungan mo ko sa preparations."

"Bakit ako?"

"Coz, he likes you. Payag ka na. Isipin mo nalang na birthday gift mo na yun kay Yno. Sige na ha?" matatawag ko na bang blackmail to? Tss.

"Okay."

"Okay?" problema nito at biglang nakangiti dyan

"Oo okay na."

"Yes! Matutuwa lalo nito si Yno. Tara na!" bigla niya nalang hinawakan ang kamay ko at para siyang excited na batang nagtatakbo papunta sa mga shop. Ayan tuloy at pati ako napapatakbo. Pinapagod niya ako. (_ _ )

Pumasok kami sa bilihan ng mga party stuff. Ang daming gusto nitong si Yvo.

"Uy! Yung totoo, si Yno ba talaga ang mag children's party o ikaw?"

"Hehe nakakaexcite lang kasi na ako ang naghahanda nito para sa baby brother ko."

"Kung maka baby brother ka naman, mag 8years old na kaya yun."

"He's still my baby brother no matter what." nakakatuwa naman na sobrang maalaga niyang Kuya. Halata naman talaga sa kanya na mahal niya talaga ang baby brother niyang si Yno. Masaya akong makita ang ganitong side niya.

Pagkatapos namin sa store na yun. Niyaya niya akong mag mcdo. Treat niya raw. Oha? Bumabait na siya sa akin kahit papaano.

"Naaalala mo ba yung first time na nagkasama tayo dito?" tanong niya habang kumakain ng fries

"Hindi ko na maalala." pero sa totoo, naaalala ko pa naman yun. Sadyang ayoko lang na pahabain pa ang kwentuhan na to kasi madaldal yang si Yvo. Mauubusan ako ng powers sa kanya. Mas prefer ko pa naman ang pagiging tahimik. Hindi counted ang pag daldal ko sa utak ko.

"Ako kasi, tandang tanda ko. Hehe" anu naman nakakatawa dun? Nakatingin lang ako sa kanya habang parang nirereminisce sa utak niya ang mga nangyari noon.

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon