CHAPTER 62 - ICE SKATING RINK SWEETNESS

18.8K 334 20
                                    

ALISS' POV

Pagkatapos ng bonggang bongga na pagtatapat ni Cliff sa madlang students ng Empire Academy. Heto at nagpunta na kami sa aming booth, oo booth lang ang tawag ng Fierce sa ice skating rink na to. Hindi naman kasi sila masyadong mayaman. Sobrang yaman lang. Bakit ba ang daldal ko ngayon? =__=

"Hindi ka ba magskate?" tanong ni Yvo. Hindi ko nalang siya sinagot at lumapit na ako kina Daryll.

"Nakakaexcite naman to." sabi ni Daryll habang naglalagay ng roller blades

"Gusto ko rin, kaso naman di ako marunong mag roller blades." sabi naman ni Mille na mukha talagang nanlulumo

"Bakit hindi ka magpaturo kay Ash o kaya naman kay Dustin." sabi ni Lhei

"Di bale nalang. Manonood nalang ako dito sa inyo." sagot ni Mille

"Leche! Ang hirap naman ilagay nito!" pagbubusit ng kanina pang naglalagay ng roller blades na si Daryll

Bigla namang sumulpot si Blue at lumuhod sa harapan niya.

"Teka! Anung ginagawa mo?! Uy!" sigaw ni Daryll pero sige pa rin si Blue sa paglagay ng roller blades sa paa ni Daryll

"Sweet naman!" pangaasar ni Jesx sa kanila

"Oh ayan, inuuna mo kasi kabadtripan mo." sabi ni Blue kay Daryll

"Tutulong na nga lang kung anu-ano pa ang sinasabi." sabi naman ni Daryll

Buti pa nga tong si Blue maeffort.

"Sadyang tahimik ka talaga noh." biglang sabi ni Yvo na nasa tabi ko na pala. Tinignan ko lang siya at hindi sinagot.

"Ganyan talaga yan si Aliss, magsasalita yan pag mambabara." sabi naman ni Jesx

"Shut up Jesx." sabi ko naman

"Oh tignan mo. Haha." loko talaga tong si Jesx

"Totoo naman ang sinasabi niya. Tahimik ka pero nasa loob ang kulo." sabi ni Yvo

"Kung umalis ka nalang kaya kaysa sa ginugulo mo ko."

"Ang sungit mo naman talaga."

"Sayo lang."

"Halata nga."

Wala na kaming ginawa nitong si Yvo kundi magbarahan. Kasi naman, bakit ko ba gugustuhing mapalapit sa isang playboy?

"Tara ice skating nalang tayo." pag-aya niya sabay hawak sa kamay ko. Napatingin naman ako sa kamay ko na hawak niya tsaka ko siya tinignan sa mukha.

"Oh anong problema?" tanong niya sa akin

"Bitawan mo nga ako." mahinahon kong sabi sa kanya

"Ayoko. Mag ice skating muna tayo." pangungulit niya =_=

"Bitawan mo ko!" sigaw ko sa kanya sabay hila ng kamay ko. Ako na nga lang lalayo. Nakakairita siya masyado.

"Ano ba?! Hoy Yvo! Ibaba mo ko!" sigaw ko sa kanya ng bigla niya akong buhatin na parang sako. Pinaghahampas ko siya pero ayaw niya akong ibaba.

"Saan mo ba kasi ako dadalhin?!" palabas na kami ng ice skating rink.

"Ngayon ka nga tumahimik. Nakakabingi ka!" sigaw niya naman sa akin

Nagsisisigaw pa rin ako pero hindi niya pa rin talaga ako ibinaba. Hanggang sa makarating kami dun sa tahimik na part ng school. Dun sa wala masyadong tao.

"Salamat naman at naisipan mo na akong ibaba."

"Ang bigat mo pala."

"Sino ba kasing may sabing buhatin mo ko?"

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon