CHAPTER 51 - REGULAR "WEIRD" DAYS

20.7K 338 27
                                    

ALISS' POV

Bagong umaga nanaman. Si Carse ayun at sinundo ng kanyang butihing boyfriend na si Nick. Si Micah as usual hindi talaga nagpapasundo sa manliligaw na si Cliff.

"Si Carse na ang inlove." sabi bigla ni Lhei habang naglalakad kami papuntang school

"Kailan kaya dadating ang para sa akin?" tanong naman ni Daryll

"Asus! E nagpaparamdam nga sayo si Eli at mukhang pati si Blue." sabi sa kanya ni Micah

"Wag kayo! Jokeness lang yung dalawang yun." - Daryll

"Ikaw ba Jesx kamusta naman ang ginagawa niyo ni Cloud?" tanong ko

"Ayun, nakakapagod lang kasi effort yun ha. Kainis nga at napasubo pa ako dun." - Jesx

"Ikaw naman ba Mille, nakapagsorry na kay Ash?" tanong ko ulit

"Hindi pa. Ang ilap niya pa rin kasi talaga." - Mille

Gaya ng usual na araw, ayan at sangkatutak nanaman ang mga gangsters na nagaabang sa gate ng school. May mga students ng Empire na di makapasok dahil di makadaan lalo na at natatakot.

"Bagong set nanaman ng gang?" - Lhei

"Mukhang ganun na nga. Walang kasawa sawa." - Daryll

Walang pakundangan kaming naglakad ng dirediretsyo sa gitna ng mga gangsters na yun.

"Hoy! Sinong may sabi sa inyong pwede kayong dumaan dito?!" sigaw nung isa sa gang.

Hindi nalang namin pinansin at tumuloy pa rin kami sa paglalakad. Pagdating sa gate bigla nalang kaming hinarangan ng mga baseball bat ng mga gangsters na nasa tapat ng gate.

"Hindi kayo basta-basta makakapasok dito." sabi nung isa

"At bakit hindi? Dito kami nag-aaral." - Jesx

"Wala kaming pake!" sigaw nung isa pa

"Tabi nga dyan!" sabay tulak ni Daryll dun sa nakaharang

"Aba loko kayo ha!" sigaw nanaman nila

"Ang babaho niyo at ang papanget niyo pa." - Jesx

"At talagang hinahamon niyo kami!" sigaw nung isa. Nang mapaharap kami, ayan at susugurin na sana kami nung mga yun, pero bigla nalang sumulpot sa harapan ni Jesx si Sky tsaka hinawakan ang baseball bat na sana ipanghahampas sa amin.

"Sinong may sabing pwede mo siyang saktan?! Ha?!" sigaw ni Sky dun sa panget tsaka niya to tinadyakan

Paglingon namin, nandyan na rin pala sina Cliff, Lei, Blue, at Yvo.

"Oh heto na pala ang mga hinahanap niyo." sabi ko sa kanila

"Buti naman at nagsilabas na rin kayo. Akala namin may kailangan pa kaming saktan sa mga ito." sabi ulit nung isang panget na member ng gang

"Pumasok na kayo." sabi ni Cliff sa amin, kaya ayun pumasok na nga kami. Narinig nalang namin ang nangyaring bugbugan sa labas.

"Araw-araw nalang." - Micah

"Di ka ba nagaalala para kay Cliff?" - Mille

"Malaki na siya, kaya niya na yan." - Micah. Kahit na ganyan ang sinasabi niyang si Micah, parang worried pa rin naman siya.

Agad na rin kaming umakyat sa room, ayun si Carse at Nick patawa tawa.

"Snickers naman kasi." sabi ni Carse

"Bakit ba Snickers? Problema mo? Cute mo kaya pag pinipisil ang mukha mo. Haha" sabi ni Nick

"Masakit naman kasi! Ikaw kaya ang ganyanin." sabay pisil naman sa magkabilang pisngi ni Nick

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon