Chapter 25

25.8K 521 15
                                    

Chapter 25

MICAH's POV

Kakainis naman. Hanggang ngayon di pa ako binababa nitong evil freak na si Cliff.

"Ang bigat mo talaga." sabi ni Cliff sabay baba sa akin

"Ano ba naman kasing trip mo at binuhat mo ko?!" pagharap ko wala na ang kinakausap ko

Pagtingin ko nasa harapan na pala ako ng isang ice cream store. Mukhang pumasok na yata sa loob yung evil freak na yun.

Pumasok na ako at nakita kong nasa may counter si Cliff. Lumapit ako dun para agad maituro sa kanya ang mga ice cream flavor na gusto ko.

"Miss, cookies and cream ang akin."

"At sino may sabing pwede kang mag order?" tanong niya sa akin

"Ako, kabayaran yan sa ice cream ko na natapon dahil sayo." iniwan ko na siya sa counter tsaka ako umupo na sa pwestong nahanap ko

Maya-maya lang lumapit na rin si Cliff pero umupo siya sa kabilang table. Mabuti naman kaysa dito siya sa tabi ko. Ayoko nga nun.

Ayan na ang ice cream ko! ^_____^

Palapit na ang crew, iniabot niya na yung ice cream na nasa large bowl kay Cliff tapos lumapit siya sa akin at ibinigay ang small bowl???????? Lokong yun ha, ang laki ng kanya tapos sa akin ganito lang?

Ang sama ng tingin ko sa kanya habang dirediretsyo ako sa pagkain ng cookies and cream na to. Samantalang siya, ayun kain lang din ng kain ng cookies and cream flavored ice cream niya na nasa malaking bowl.

"Ayy ubos na nga?" di ko namalayan na ubos na yung ice cream ko. Tumingin ako kay evil freak at para siyang wala sa sarili na sunod sunod ang subo ng ice cream. Hmmmm, dapat malaki rin bowl yung akin. Daya niya naman. :|

Lumapit ako sa kanya at agad umupo sa vacant seat sa tabi niya.

"Hoy alien! sa akin yan!" sigaw niya sa akin ng inagaw ko yung bowl at kumain ako ng ice cream. Oy wag kayo baka iniisip niyo ginamit ko yung spoon niya, of course not, dala ko yung ginamit kong spoon.

"Sarap talaga ng cookies and cream."

"Sinabi ng akin na yan!" tsaka niya naagaw ulit yung bowl

"Ano ka ba? Ang daya mo naman kasi! Maliit na bowl yung akin tapos sayo pagkalalaki. Wag ka na madamot. Penge na ako niyan."

"Ayoko."

"Ihhhh bigyan mo sabi ko!"

"Ayoko. Bumili ka ng sayo." bili ng sa akin?

"Pengeng pera."

"Bumili ka gamit ang pera mo." tsssk. Lokong to. :| inagaw ko ulit yung bowl at siya masama lang ang tingin sa akin

"Oh bakit?" sabi ko habang hawak hawak ang bowl

Hindi siya sumagot, inilapit niya nalang ang upuan niya sa akin kaya naman close na close kami ngayon, tsaka siya kumain din ng ice cream. Nakatingin lang ako sa kanya, isang weird na tingin.

"Oh ano?" tanong niya sa akin "Share na tayo sa ice cream. Wag ka ng mag inarte dyan." Okay, share daw. Sige na nga, tutal nagcrave talaga ako sa ice cream ngayon. Kanina pa ko nagtataka dito sa lalaking to, may something sa kanya ngayong gabi. Sabagay, ganyan na pala siya simula kanina, nung nakita namin yung ex at pinsan niya daw. Problemado siya na ewan, siguro hindi pa talaga siya makapagmove on sa jowa niyang yun. Kakaloka lang at kapangalan ko pa yun. :| Tapos yung nag english siya kanina, parang hindi siya yun. Marunong naman pala siya mag english.

"Marunong ka palang mag english, bakit nagkukunwari kang hindi?" tanong ko sa kanya

"Pakialam mo." tss. Topak nito.

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon