CHAPTER 49 - SCHOLASTIC COMPETITION

20.2K 390 19
                                    

CHAPTER 49 - SCHOLASTIC COMPETITION

JESX' POV

Nandito na kami ngayon sa Rival Academy, obviously kalaban to ng Empire Academy. Sila ang host ng scholastic competition ngayon. Si Ma'am Shy at Mrs. Lion ang kasama namin ngayon.

"Maya-maya lang maguumpisa na ang competition, kaya ayusin niyo." ayan nanaman si Mrs. Lion, napaka strikto

"Mrs. Lion, wag mo silang ipressure. Ganito girls, ibigay niyo ang best niyo. Manalo o matalo magaganda pa rin kayo!" cheerful na sabi ni Ma'am Shy. Lahat naman kami napangiti sa sinabi niya. Pag siya talaga, no pressure at all.

"Maganda din dito sa school na to." sabi ko sa kanila habanag tinitignan ang paligid

"Yeah, at mukhang peaceful kaysa sa Empire." sabi naman ni Micah

"Peaceful dahil walang gangsters?" sabi naman ni Lhei

"Tama!" at lahat kami nag agree

"Pero admit it or not, parang boring naman ang ganito." sabi naman ni Daryll

"I agree, wala rin excitement." sabi naman ni Carse

"Girls, magstart na! Let's go! Kayang kaya niyo yan."

"Thank you Ma'am."

Agad na kaming tumayo at pumunta sa gitna. Umupo na sa pwesto namin. Maguumpisa na kasi ang competition.

"This is it." sabi ni Mille

"So sila pala ang mga champion." narinig naming sinabi nung isa sa mga grupo na nasa tabi namin

"They don't look intelligent." sabi pa nung isa

"Kapal ng face ha." sabi naman ni Aliss na bumulong lang

"And hindi rin sila magaganda. Hahaha." at nagtawanan na po sila

"Uy behave. Hayaan niyo nalang." sabi ni Mille nang mapansin na inis na inis na kami

"Wait. Tignan niyo yung sa kabilang side natin." sabi ni Lhei

Tinignan naman naming lahat at meron lang namang seven handsome guys.

"Taga dito sila sa Rival." sabi ni Carse nang mapansin ang uniform

"May mga gwapong matatalino pala dito." sabi naman ni Micah

Bigla naman napatingin yung isa sa amin kaya agad kaming umiwas ng tingin.

"Nahuli ba tayo?" tanong ni Aliss

"Tss. Obviously nahuli niya tayo, nakatingin pa nga at mukhang sinasabi na sa mga kasama niya." sabi ni Daryll

Nang tinignan ko naman ng mabilis, totoo nga! Lahat sila nakatingin na. Tss.

"Don't mind them." sabi ko sa kanila

"Goodluck Moronsx." lahat kami napatingin sa nagsalitang yun, nakangiti siya sa amin, isa siya dun sa seven handsome guys

"Kilala nila tayo?" tanong ko sa kanila

Nginitian nila kaming lahat at nagsalita naman yung isa pa "Siguradong magiging magandang laban nanaman to. Galingan natin ha?"

"Kilala ko na sila." sabi ni Mille

"Sino sila?" tanong ni Aliss

"Nakalaban din natin sila dati, actually yearly. Naaalala niyo ba yung mga nerds na gustong makipagusap sa atin nun?" sabi ulit ni Mille

"Teka, yung makakapal ang salamin at weird ang suot?" tanong ni Daryll at tumango naman si Mille

Napatingin kami ulit sa pitong lalaki at nakangiti lang sila. Tinitigan namin sila at tama nga si Mille. Sila nga yun!

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon