CHAPTER 61.2 - LOVE IS LIKE BEING INTOXICATED

17.9K 353 20
                                    

MICAH's POV

Agad kong hinanap yung mga kaibigan ko, ayun at nasa harapan pala at nakangiti pa sa akin. Anung meron?

Nakita ko rin na kasama nila ang ibang Fierce. Nang mapatingin naman ako, may stage pala sa harapan at nandun sina Nick, Cloud, Sky, Eli, at Cliff.

"Tara na." tinutalak naman ako nitong si Micah Michelle papunta sa gitna. Bakit kailangang sa gitna? Hindi ba pwedeng sa harapan kasama ang mga kaibigan ko?

Ang ingay ng mga estudyante, para silang nahihibang na kinikilig na ewan.

"Dito ka lang tumayo." sabi niya sa akin tsaka ako iniwan dito. Nasa gitnang gitna ako. Pinatayo niya ako sa square thing na to. May space sa tabi ko, sa likod at harap. Center of attraction tuloy ang beauty ko.

"Silence please." sabi ni Cliff na nakapagpatahimik sa lahat.

Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita ulit.

"I'm sorry." sorry agad?

"Sorry kung nasaktan ka nang dahil sa akin. Sorry kung inakala mong naging panakip butas lang kita."

"Gusto kong malaman mo na never sumagi sa isip ko na panakip butas ka lang. Lahat ng mga oras na kasama kita, masaya ako, masayang masaya ako sa mga oras na yun. Para nga akong baliw na napapangiti minsan kapag naaalala ka. Kung paano mo ko sigawan noon. Kung paano ka nagenglish para mapahiya ako. Kung paano mo ko sigawan at awayin." lahat talaga negative?

"Lahat ng tungkol sayo nakatatak dito sa utak ko, at lalo na dito sa puso." sabay turo niya sa chest niya. Ano ba kasi to? Nagtatapat ba siya? Pero diba sila na ulit?

"Yung mga ngiti mo, yung tawa mo, pag blush mo, yung kamay mo, yung yakap mo at pati na rin ang nose-to-nose natin noon. Lahat yan di ko makakalimutan. Lahat ng tungkol sayo hindi mawawala dito." turo ulit sa chest niya

"Dati ko pa dapat sinabi sayo to." yumuko siya saglit pero tumingin ulit sa akin

"Mahal kita Micah Meester. Mahal na mahal kita. Akala ko nung una basta lang kita gusto, pero nung dumating si Michelle at nasa tabi kita parang wala nalang siya. Dati Micah ang tawag ko sa kanya pero ngayon ang gusto ko ikaw lang ang nagiisang Micah na tatawagin at isisigaw ng puso ko." totoo ba to? Nagconfess siya sa harap ng lahat ng students ng Empire Academy, this time totoo na to diba?

"Akala ko makukuha ka ni Chester sa akin, akala ko pati ikaw mawawala pa. Alam mo bang hindi ko kinakaya na nakikitang masaya ka na kasama mo siya. Takot na takot ako na baka mawala ka nalang. Alam mo bang di ko kakayanin kung ikaw ang mawawala? Mahal na mahal kasi kita. Mahal na mahal." parang may luha na gumigilid sa mga mata niya. Bakit siya ang naiiyak? Diba dapat ako? Sobrang natotouch ako sa mga sinasabi niya. Di ko na nga alam ang mga dapat kong sabihin para maidescribe ko ang nararamdaman kong saya ngayon.

"Kahit na di mo ko tanggapin. Ayos lang. Deserve ko naman na tanggihan mo." yun pala ang kinakaworry niya

"Yung papel? Naaalala mo ba? Yung tinatago ko sayo? Dun kasi nakasulat yung ginawa kong kanta para sayo. Last week ko pa yun natapos. Sana magustuhan mo." may ginawa siyang kanta para sa akin?

"You always make me feel like I'm intoxicated. I love you." pagkatapos niyang sabihin yun nagumpisa ng tumugtog sina Nick. Naghihiyawan ang mga estudyante dito. Yung mga lalaki parang proud sa ginawang pagtatapat sa akin ni Cliff. Yung mga girls, nagtitilian. Nakita ko naman kinikilig din ang mga kaibigan ko.

He's looking straight to my eyes.

Yung mga mata niya parang nangungusap.

..AND I, THINK YOU'RE FROM ANOTHER WORLD,

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon