CHAPTER 48 - SAYING SORRY IS NOT THAT EASY

20K 369 6
                                    

CHAPTER 48 - SAYING SORRY IS NOT THAT EASY

DARYLL's POV

Kahit na pilit ko pa rin gustong maging energetic, pakiramdam ko malapit na akong maempty battery at kailangan ko ng magcharge. Ang sama ng pakiramdam ko! >_<

"Labas muna ako. Kita nalang tayo sa room." sabi ko sa Moronsx na kasalukuyan pang kumakain ngayon sa library. Nawala ako bigla ng gana dahil sa pagod na nararamdaman ko.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Carse

"Dyan dyan lang." feeling ko kasi kailangan kong makalanghap man lang ng sariwang hangin

"Sasamahan na kita." biglang tayo naman ni Eli

"Wag na. Gusto ko munang mag-isa. Magpapatanggal lang ako ng stress."

"Sigurado ka?" nagaalala siya. Nakakatuwa naman. Tumango nalang ako at ngumiti sa kanya tsaka na lumabas.

Saan naman kaya ako pupunta?

Naglalakad lakad na ako dito sa school para makahanap ng pwedeng puntahan.

"Yes Lolo, I will. I said yes. I'm going to see her. Yeah, I'll date her. Okay." napatingin naman ako sa nagsalitang yun at tama nga ako, si Blue nga.

Alam niyo bang after the so-called date, hindi na ako pinansin ng lalaking yan. Kung dati pinapatulan niya ako, ngayon kahit tingin wala na. Gusto ko pa naman sanang magkita pa rin sila ng nanay niya at gusto ko din magsorry.

Bakit ba magsosorry pa ako? Ako na nga tong tumutulong? Kailangan pa ba yun? Nakakainis naman! Bakit ba kasi naguguilty ako?

Narinig ko na may idadate siya. Diba sabi niya ako ang first date niya? Aba at magsesecond date na nga siya?

Napaharap naman siya bigla sa akin at nagmeet ang mga mata namin. Ang sama nga lang ng tingin niya sa akin.

Naglakad siya palapit sa akin. Baka kakausapin niya na ako.

Toinks! I was wrong! Nilagpasan niya ako! Tsk!

"Hoy Blue!" hindi niya ako nilingon at nagpatuloy lang sa paglalakad

"Blue!" sigaw ko ulit pero wala talaga, ayaw niya akong harapin

Tumakbo ako at nagstop nang nasa harapan niya na ako.

"Hoy! Magusap muna tayo."

Tinignan niya lang ako at naglakad na ulit. Tss. Asar!

Sinundan ko siya hanggang makalabas ng gate. Wag na kayong magtaka kung bakit walang guard sa school namin. Nasabi na yan dati kung bakit wala.

"Hoy! Magdiditch ka?" tanong ko sa kanya pero syempre hindi niya nanaman ako pinansin. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad at sumakay na sa kots niya.

Tumakbo ako at lumapit sa kotse tsaka ko kinatok.

"Blue, saan ka pupunta?" ang bastos na Blue! Bigla nalang pinaandar ang kotse niya. Lokong yun! E bakit ko ba kasi siya pinapakialaman? Tss. Makapasok na nga ulit sa loob.

"Aist! Manong, para!" sigaw ko ng may makitang taxi

Agad akong sumakay at pinasundan ang kotse ni Blue.

"Resto? Ang aga naman yata ng date ng lalaking to."

Pumasok na siya sa loob kaya sinundan ko na siya. Nakipagshake hands siya sa isang babaeng mestiza, matangkad at maganda, pang model ang dating.

"Hmmmm, sabi mo wala ka pang nakakadate at ako lang pinaunlakan mo, tapos ngayon nakikipagdate ka. Tss." bulong ko sa sarili

"Aba at pangiti ngiti ka pa." bulong ko nanaman

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon