CHAPTER 62.2 - ICE SKATING RINK SWEETNESS

17.7K 316 35
                                    

LHEI'S POV

"Haha! Nakakatuwa ka talaga cheezycake! Di ka pala marunong nito." pangaasar sa akin ni Lei, actually, kanina pa yan nangaasar.

"Hindi mo ba talaga ako titigilan sa pangaasar mo?"

"Cheezycake naman biro lang naman. Wag ka ng magalit okay? Papanget ka niyan sige ka."

"Kahit magalit ako, hindi ako papanget. Ang ganda ko kaya." kanina niya pa ako inaalalayan sa pagskates, gusto ko kasi pero hindi ako marunong kaya ayan sinasamahan niya ako

"Alam ko namang maganda ka cheezycake kaya loves na loves kita." sabay yakap niya sa akin. Napakacomfortable sa tuwing niyayakap niya ako.

"Uy maglambingan ba daw dito?!" biglang sabi Carse

"Uy snickers! Ikaw nga dyan eh!" sigaw ko sa kanya. Panira ng eksena!

"Cheezycake."

"Yes, anu yun?"

"Darating ka naman bukas diba?"

"Oo naman, 2nd day palang bukas." sagot ko sa kanya

"Good. Dapat ka talagang pumunta bukas kasi mamimiss kita pag hindi." sabay hug niya nanaman sa akin. Hindi pa kami niyan ha. Kung makahug siya wagas! Haha!

"Makayakap ka naman! Haha!"

"Ito namang cheezycake ko, nanglalambing lang naman."

He's always making me smile and it really feels good inside.

***

MILLE'S POV

Buti pa sila nasusubukang magskates, kahit na di marunong.

Kanina kausap ko dito si Dustin pero ayun biglang hinila ng pinsan niyang si Jessica.

"Bakit hindi ka nagskates?" si Ash pala to. Akala ko buong araw ko na siyang di makakausap. Pero heto nga at kinausap niya ako, nakatayo nga lang siya sa side ko at hindi sa akin nakatingin.

"Hindi ako marunong."

"Gusto mong turuan kita?"

"Seryoso?" napatayo ako sa sobrang excitement.

"Oo naman." tumingin na siya sa akin ngayon

"Oh tara na!" sabay hawak ko sa kamay niya at hinila ko siya palapit dun sa mga roller blades. Kanina ko pa gustong magpunta dun sa gitna, naiinggit ako sa mga kaibigan ko.

"Ash, alin ba dito ang magandang roller blades?" tanong ko sa kanya pero nakahalata yata ako at hindi siya sumagot.

Pag harap ko sa kanya, nakatitig lang siya sa kamay ko na hawak ang kamay niya. Napabitaw tuloy ako.

"Sorry." sabi ko

"Okay lang." sabi niya sabay tingin sa akin.

Tumalikod nalang ako at tumingin ulit sa mga roller blades. Feeling ko kasi namumula ako sa pagkahiya sa ginawa ko.

"Maganda to." sabi niya sabay abot nung isang roller blades. Kumuha din siya ng kanya tsaka kami umupo para ilagay ang roller blades.

Actually, ako lang ang umupo at si Ash medyo lumuhod sa harapan ko at siya mismo ang naglagay ng roller blades sa paa ko.

"Ash ako na."

"Ako nalang." at patuloy nga siya sa paglagay ng roller blades sa paa ko. Nakakahiya naman to sa kanya, hinawakan pa talaga ang paa ko >_<

Pagkatapos niya ilagay yung roller blades, umupo siya tabi ko para ilagay rin ang kanya.

"Let's go?" tanong niya sa akin

Tumango lang ako at tumayo na siya. Hindi ko naman alam kung paano ako makakatayo.

Iniabot niya sa akin ang kamay niya, kaya naman hinawakan ko syempre. Bakit nakakaramdam ako ng spark? Alam niyo yung simpleng bagay lang kinikilig ka? *sigh*

Dalawang kamay niya ang hawak ko. Ang hirap naman tumayo.

"Kaya mo ba?"

"Oo naman." sabi ko pero ang totoo, ang hirap tumayo. Feeling ko anytime tutumba ako.

"Teka lang Ash."

"Bubuhatin nalang kita papasok dun para di ka mahirapan." binuhat niya ako ng pang bridal style.

"Mabuhay ang bagong kasal!" sigaw ni Lei sabay palakpak. Loko talaga si Lei. Mas lalo akong nahiya sa ginawa niya.

"Here. Humawak ka dyan." pumunta kami sa side at ibinaba niya na ako. Agad naman akong kumapit pero

"WAAAAAAAAH!" sigaw ko ng muntik nanaman akong matumba pero agad akong niyakap ni Ash palapit sa kanya para di ako matumba

"Okay ka lang?"

"Nakakatakot pala to." paanong nakakapagenjoy ang mga kaibigan ko dito kahit na di sila marunong? E nakakatakot naman >_<

"Wag kang matakot. Nandito naman ako." those simple words, parang naencourage naman ako.

"I'll try." tapos dahan-dahan niya ako binitawan sa pagkakayakap tsaka niya ako hinawakan sa magkabilang kamay

"Wag kang magpabigat. Pagaanin mo lang sarili mo." instruct sa akin ni Ash

Nagskate siya patalikod, habang ako palapit sa kanya habang hawak niya ang mga kamay ko.

"Kaya mo na ba? Bibitawan kita?" tanong niya sa akin

Tumango naman ako para masubukan ko to, pagkabitaw niya sa akin para akong ewan dito na pilit binabalance ang sarili.

Nakatingin lang sa akin si Ash at parang alert na alert siya na naghihintay ng pagbagsak ko.

Gumalaw na ako ng biglang

"WAAAAAAAAAAAHHH!" sigaw ko ng muntikan ng matumba

"Buti nalang agad kitang nahawakan." sabi niya sa akin ng muli akong mayakap

"Nakakatakot naman kasi talaga." panlulumo kong sabi. I admit, sobrang duwag ako sa mga ganitong bagay, di nga ako marunong magbike dahil sa takot kong masugatan at matumba.

"Cheer up. Nandito naman ako at maeenjoy mo to." napaangat ako ng tingin sa mukha niya. He's smiling at me, napaka bright ng mukha niya, tipong macheer up ka talaga.

Ngumiti din ako sa kanya tapos bigla nalang siyang nagskates na nakahawak ang isang kamay sa bewang ko at ang isa sa isa kong kamay.

Nagskates siya palapit sa gitna, kung saan nahuhulog ang mala snow flakes na yelo.

Nagstop kami dun. Sa wakas nakalapit din ako dito all because of him. Ang saya lang! Ang sarap sa pakiramdam.

"Nakakatuwang ngumingiti ka ngayon na kasama ako." biglang sabi niya sa akin. Nakaharap siya sa akin. Nakahawak ako sa balikat niya at siya naman sa bewang ko.

"Ngumingiti ako dahil sayo. Thank you." I said while smiling at him

Para kaming nasa South Korea. Para akong bida sa isang koreanovela na nasa harapan ng bidang lalaki na matagal ko ng gusto. Oops! I just spilled out something. Forget it! >_<

"I love you." sabi niya while looking straight to my eyes. Nakakatense talaga sa tuwing sinasabihan niya ako niyan. Feeling ko anytime magwawala ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok.

Inilalapit niya ang mukha niya sa mukha ko. He's about to kiss me.

"That's cheating!" boses yun ni Dustin at pagtingin ko nasa side na pala namin siya

Oh! I forgot about my blackstar >_< 

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon