Chapter 28.2 - GIRLS CHIKAHAN

24.6K 495 25
                                    

Chapter 28.2 - GIRLS CHIKAHAN

DARYLL's POV

Nauna akong umuwi sa apartment namin ngayon. Hindi ko na sila nakita. Nasaan na kaya yung mga babaeng yun?

Si Mille malamang e kasama pa si Ash. Grabe lang yung nakita ko kanina. So confirmed na nga ang hinala ko na may gusto si Ash kay Mille. Nakita kong hinalikan ni Ash si Mille habang tulog. Ang sweet lang talaga ng mga stolen kisses.

WAIT! Hindi pala lahat! Nakakabusit at naalala ko pa yung Blue na yun! ARGGGGGGGGG! Makapagtoothbrush na nga! >___<

*ding dong*

"Tss! Ishthorbho nhamans!"

Pinagbuksan ko na yung nagdoorbell.

"Tsss. Ikhaw lhangs phala." sabi ko kay Carse

"*sigh*" napahinga ng malalim ang loka, hindi niya pa ako pinansin at dirediretsyo lang ang pagpasok. Napano kaya yun?

Isasara ko na sana yung gate.

"Teka! Wag niyo munang isara yung gate!" sigaw ni Jesx yun ha. Tinignan ko at si Jesx nga hila hila si Micah. Bakit tumatakbo yung dalawang yun?

"Nphanu khasyo?" pagpasyensyahan niyo na ang salita ko, may toothbrush sa bibig eh

"Ano ba kasi nakakapagod na Jesx!" sigaw ni Micah

Diretsyo din sila sa pagpasok at hindi ako pinansin. Aba ang mga ito, nakaistorbo na nga sa pagtotoothbrush ko, hindi pa ako pinapansin. >_<

Nakarinig naman ako ng tunog ng kotse at nakita kong baba dun si Aliss tapos malakas niyang sinara ang pinto ng kotse tsaka naman agad humarurut yung kotse.

"Nakakainis talaga siya!" sigaw ni Aliss habang papasok at yes hindi nanaman ako pinansin >_<

Ano bang nangyayari sa kanila?!

Isasara ko na sana ang gate ng may nagstop naman na taxi sa harapan.

Pagbaba si Lhei pala.

"Bye cheezycake! ^____^" eh? si Lei yun ha? bakit kasama niya si Lhei tapos nakangiti pa sa kanya?

"Oo na! Alis na! Chupi!" sigaw ni Lhei sa kanya tapos umalis na rin

"Clhose nha kayows ha?" sabi ko kay Lhei

"Cheezycake? Ihhhh! Ang korni!" sabi ni Lhei habang naglalakad papasok. Aba naman! Anu ako dito invicible? >_<

Maisara na nga ang gate! Tsk!

Siguro naman wala ng tao? Teka, si Mille pala wala pa. Tumingin ako sa labas at hindi nga ako nagkakamali. Parating na rin si Mille kasama si Ash? Naglalakad kasama si Ash? Ang leader ng Fierce? Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. (O_O) Hanggang ngayon magkasama pa rin?

"Oh Daryll, bakit sa labas ka nagtotoothbrush?"

"Ah eh? Hahaha Shige phasok na ko." pagkasabi ko nun pumasok na ako. Makatingin naman kasi yung Ash na yun eh, nakakatakot siya makatingin, feeling ko sinasabihan niya ako na wag magsalita tungkol sa nakita ko kanina. Takot ko nalang sa kanya. Kaya hindi ko talaga sasabihin. Wag lang sanang madulas ang dila ko? Slippery when wet pa naman to. >_<

Agad na ako pumasok at nashock nanaman ako sa mga itsura ng mga kaibigan kong to. Makapagbanlaw na nga muna ng bibig ko sila iinterrogate.

"Teka, anung meron?" narinig kong sabi ni Mille pagkapasok niya

"Oo nga, anung nangyari sa inyo?" tanong ko rin sa kanila

"Ah basta ako badtrip!" sigaw ni Aliss

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon