Chapter 13 - ALISS and YVO

30.7K 672 41
                                    

Chapter 13 - ALISS and YVO

ALISS' POV

Pagkatapos nga akong iligtas nitong si Yvo. Heto kami ngayon at kinakaladkad ako.

Gentleman na kanina pero kung makakaladkad siya wagas!

"Teka nga lang, saan mo ba kasi ako dadalhin?" hindi naman niya ako pinapansin

"Hoy!" ayaw talaga kong pansinin nito

"Hoy Primitivo! Saan mo nga kasi ako dadalhin?"

"Sa puso ko!" sigaw ni Yvo

Eh? Ano raw? Anung pinagsasabi ng taong to.

Mananahimik na nga lang ako kaysa naman kung ano-ano pa marinig kong sasabihin nito.

Nandito kami ngayon sa tapat ng motor niya.

Nandito pala to, buti at di niya to ginamit kanina kung hindi malalagot ako sa pagsunod sa kanya kanina.

Pero hindi pa ba ako lagot ngayon?

"Aray ko naman!" nasaktan ako dahil hinagis niya sa akin tong isang helmet

"Sakay." sabi niya habang nakasakay na siya sa motor niya at inaayos yung helmet niya

Sakay daw ako? Ayoko nga! Mga kaskasero to eh. Kahit sanay naman ako sumakay ng motor, ayoko pa rin mag 50/50 ang buhay ko.

"Oh ano hindi ka ba sasakay? Iiwan kita dyan. Bahala kang mahalay ng mga manyak na gurang dyan."

Tss. Tama nga naman. Makasama na nga kaysa mahalay pa ako dito. Mahirap na >_<

Sumakay na ako sa motor niya at inaayos ko palang ang helmet nang biglang pinaandar niya yung motor

"WAAAAAAAAAAAHHH!"

"Bilis mo naman mantsansing."

Tsansing? Kapala! Napayakap lang naman ako sa kanya dahil bigla niyang pinaandar tong motor niya.

Medyo bumagal na ang andar niya kaya inalis ko na pagkakayakap ko sa kanya.

"Kapal mo! Kung sana kasing hindi mo pinatakbo bigla."

"Kunwari ka pa. Alam ko namang gusto mo kong yakapin." sinabi niya yun at teka parang natatawa pa siya

"Ang hangin!"

"Malamang nakasakay ka sa tumatakbong motor." Pilosopo!!!! >_<

"Ikaw ang tinutukoy kong mahangin! Shunga!"

"Anong sabi mo?"

"Sabi ko shu---WAAAHHHHHHH!" bago ko pa matapos yung sasabihin ko binilisan niya nanaman ang takbo, eto nanaman ako automatic napayakap sa kanya e kasi naman delikado buhay ko kung hindi ako kakapit na ganito sa kanya, napapikit nalang ako.

Iimaginin ko nalang na si Edward Cullen to, at tinatangay ako paakyat sa mga puno gaya ng ginagawa niya kay Bella.

"Matatakutin ka pala." sabi ni Edward Cullen este Yvo

Sira ba siya? Kung hindi niya binibilisan ng bongga edi sana hindi ako napapakapit sa kanya.

Ayan, buti naman at naging okay na ang pagpaandar niya.

Aalis na sana ako sa pagkakayakap sa kanya nang biglang hinawakan niya ang kamay ko >////////////<

LUB DUB LUB DUB

Bakit ba ako kinakabahan?

Kung bakit ba kasi bigla biglang nanghahawak ng kamay to.

"Stay." sabi niya sa akin na hawak pa rin ang kamay ko

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon