CHAPTER 53 - CONFESSION UNDER THE RAIN

19.5K 373 64
                                    

CHAPTER 53 - CONFESSION UNDER THE RAIN

MILLE'S POV

He's always been like that.

Taong cold, snob, at walang pakialam sa nararamdaman ng ibang tao.

Sa nararamdaman ko.

Bakit ba? Sino ba naman ako para isipin niya pa kung anung nararamdaman ko?

Isa lang naman akong hamak na schoolmate na naging instant classmate ngayon na instant din na nililigawan ng kapatid niya pala.

"Dustin!" pagtawag ko kay Dustin nang makita ko siya na nanggaling yata sa restroom

"Mille." buti pa siya nagagawa niyang ngumiti sa akin, buti pa sa kanya, di ako nakakaramdam ng takot

Palapit na ako sa kanya nang mapansin kong nabaling ang tingin niya sa likuran ko. Napatigil ako at humarap sa likuran ko.

Naglalakad ng mabilis palapit sa akin si Ash, hawak niya yung bouquet na bitawan ko kanina. Pero bago pa ako matauhan sa nakikita kong papalapit na si Ash, bigla nalang akong hinila ni Dustin papalapit sa kanya, specifically hinila papunta sa likuran niya. Hawak niya ang kamay ko at nang makita ko si Ash, parang anytime e pwede niya nanamang mabugbog tong kapatid niya.

"Bitawan mo siya." mahinahon pang pagkakasabi ni Ash nang makalapit sa amin

"Why should I? Hindi mo ba nakita na ako ang tinawag niya? Na sa akin siya lumapit?" sabi ni Dustin na mas humihigpit ang hawak sa kamay ko

"Sinabi ko na sayong hindi mo siya pwedeng hawakan!" sigaw ni Ash. Nakakatakot na sigaw niya.

"Tama na nga yan!" sigaw ko. Naiinis na talaga ako sa mga kinikilos ni Ash. Nakakainis na talaga.

"Dustin, pwede bang iwan mo na muna kami?" tanong ko kay Dustin. Binitawan niya naman ang kamay ko at ngumiti sa akin.

"Sige. Papasok na rin naman ako."

"Salamat Dustin." tsaka rin ako ngumiti sa kanya.

Seryoso akong humarap kay Ash.

"Magusap tayo." sabi ko sa kanya tsaka ako naglakad paakyat sa floor kung saan ang room namin.

Para akong boss na sinusundan niya. Feeling ko tuloy ako yung leader ng Fierce imbis na siya.

Nagstop ako at maya-maya lang, naramdaman ko na mula sa likuran ko bigla niya nanaman akong niyakap.

Nakakainis naman! Dapat sa mga oras na to ay sisigawan ko siya dahil sa sobrang inis ko na naramdaman kanina, pero bakit unti-unting nawawala yun ngayon.

"Sorry kung na misinterpret mo ang sinabi ko. Sorry kung inakala mong isang laro lang to. Sorry kung inakala mong pinaglalaruan kita."

Bakit ganito? Bakit ang ingay? Puso ko ba ang naririnig ko? O ang puso niya?

Asa naman akong titibok ng malakas ang puso niya para sa akin? Nang dahil sa akin?

Tigilan mo na ang kakaasa Mille. Tama na. Hayaan mo nalang na sabihan ka ng mga tao na manhid kaysa umasa ka lang naman sa wala.

"Sorry." pang ilan nanaman ba tong sorry niya?

"Ta-tama na." sabi ko sa kanya

"Tama ka. Siguro nga tama na." bumitaw na siya sa pagkakayakap sa akin kaya naman humarap ako sa kanya. Pagkaharap ko, nagtama ang mga mata namin. Hindi ko inasahan na magagawa kong titigan ng ganito kalapit ang mga mata niya.

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon