CHAPTER 66 - MISSION ACCOMPLISHED

18.5K 313 35
                                    

DARYLL'S POV

Napagusapan namin ni Blue na magkita few blocks away sa restaurant ng nanay niya ngayon. Sunday ngayon at eto ang tamang araw para magkausap sila ng nanay niya. Diba Family day daw ang Sunday? Kaya tamang tama lang talaga.

"Hoy!" sabay katok ko sa bintana ng kotse ni Blue

Binuksan niya yung pinto kaya naman pumasok na ako.

"Bakit kailangang dito pa tayo magkita? Sinabi ko na sayong susunduin nalang kita." kakapasok ko lang highblood agad to

"Huminga ka muna Blue, hinga ng konti."

Tinitigan niya lang ako ng masama. Lokong to! Ako nga rin matignan nga siya ng masama +___+

"Ang tigas talaga ng ulo mo." sabay gulo niya sa buhok ko

"Oy! Ang tagal kong inayos ang buhok ko tapos guguluhin mo lang." sabay alis ko sa kamay niyang panggulo

Bigla naman siyang naging seryoso.

"Oy nauutot ka ba?"

"Ano kamo?"

"Tinatanong ko kung nauutot ka, mukha ka kasing nauutot. Pft! Hahaha!"

"Baliw ka talaga." seryosong pagkakasabi niya

"Baliw? Ahh kaya pala patay na patay ka sa baliw na to." sabay ngiti ko ng nakakaloko sa kanya

"Wag mong ginagamit ang pagkagusto ko sayo. Nagtataka nga ako kung paano ako nagkagusto sa baliw na gaya mo."

"Wow naman! So, utang na loob ko pa sayo yan?"

"Malamang!"

"Hindi man masyadong makapal ang mukha mo noh?"

"Tama na nga! Pumunta na tayo sa resto na yun." sabi niya sabay drive na papunta sa resto ng nanay niya.

Kapangaway ng lalaking to! +___+

Nakapagpark na siya. Makalabas na nga.

"Teka!"

"Oh napano ka?"

"Anung dapat kong sabihin?"

"Dapat sabihin? Kahit ano, bahala ka."

"Kahit ano?"

"No! I mean, maging mabait ka, okay?" naalala ko kasi kung paano makitungo ang lalaking to, mamaya biglang kung anu nanaman ang lumabas sa bibig niya

I heard him sighed. Mukhang pinoproblema niya.

"Hindi mo naman kailangang magmemorize ng script. Ang mahalaga ay magkausap kayo. Request ko lang naman yun maging mabait ka dahil nanay mo siya."

Huminga siya ng malalim tsaka na lumabas. Lalabas na rin sana ako nang biglang buksan niya yung pinto ng kotse. Wow! Gentleman?

"Aba tol! Nagiging gentleman tayo ha." sabay tapik ko sa balikat niya tsaka na ako naglakad papasok sa resto.

Moronic Tactic #4: Para hindi mapansin na kinikilig, umasta na parang kaBrod lang nila. Ayos ba ang tactic namin? ^__^

Agad kong nakita yung nanay niya na may kausap. Siguradong matutuwa siya pag nalaman niyang nandito si Blue para makipagusap.

"Good afternoon po." bati ko sa kanya

"Daryll! Natutuwa akong makita ka ulit." sabay yakap niya sa akin. Alam niya pa rin pala ang pangalan ko.

"Kamusta na po kayo?" tanong ko sa nanay ni Blue

"Ayos naman ako. Heto at busy sa negosyo pati na rin sa pamilya ko. Ikaw?"

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon