Chapter 43.4 - HER MISSION and HER TEST FOR HIM

21.3K 405 10
                                    

Chapter 43.4 - HER MISSION and HER TEST FOR HIM

DARYLL's POV

After lunch, bumalik na sila sa room. Ako nagpunta muna sa restroom.

Pabalik na ako ngayon sa room nang may mapansin akong kakaiba.

"Sino kaya yun? Bakit para sumisilip siya sa room namin?" sarado ang door at room namin at walang windows dito yun dito sa may hallway dahil ayaw ngang expose ng Fierce. Pilit pa rin sa pagsilip sa pinto nitong Ale. Oo, ale na siya dahil adult na.

"Sino pong hinahanap niyo?"

"Yung anak ko." sabi nito na pilit pa rin sa pagsilip sa pinto. Anak? May anak siya dito e bakit hindi niya katukin?

"Gusto niyo ba tawagin ko ang anak niyo?"

"Hindi! Wag na!" this time humarap na siya sa akin. Isang magandang ale siya. May kahawig nga siya sa Fierce eh. Parang.

"Si Blue mo pa ang anak niyo?"

"Paano mo nalaman?"

"Hehe kahawig niyo po kasi. Bakit hindi niyo nalang po siya itext o tawagan para lumabas siya dito?"

"Hindi pwede. Hindi niya ako gugustuhing makita." bakit naman kaya? E kung siya ang nanay ni Blue syempre gusto siyang makita nun o baka naman kasi ayaw ni Blue dahil magdamag naman silang nagkikita sa bahay. Wala pa namang sweetness sa katawan yun.

"O sige po. Sasabihin ko nalang sa kanya na nagpunta kayo dito."

"Wag! Hindi na niya dapat malaman." malungkot na pagkakasabi nito

"Ah ganun po ba. Sige po."

"Malapit ka ba sa anak ko? Maaari bang kwentuhan mo muna ako sa kanya?" siguro inaalam nito kung anung standing ng anak niya sa school. Malapit? Hindi naman kami malapit.

"Ah hindi naman po masyado. Pero ako ang tutor niya."

"Tutor ka niya?"

"Opo, tara at umupo muna tayo dun para makwentuhan ko po kayo." pagtuturo ko nung bench dito sa hallway. Umupo naman na kami. Nakikita ko ang excitement sa mga mata ng nanay ni Blue.

"Kamusta si Blue? Kamusta ang anak ko?"

"Maayos naman po siya. Mas malakas pa nga po sa kalabaw ang anak niyo." medyo napangiti siya sa sinabi ko

"Anung ugali niya?" patay tayo dyan!

"Siguro naman po alam niyong member siya ng isang gang."

"Narinig ko na ang tungkol dyan, hindi ko akalain na totoo pala."

"Opo, member siya ng Fierce Gangsters. Mga basagulero, laging sinusugod ng gang kahit saan."

"Edi laging may sugat at pasa ang anak ko?" bakit hindi niya yata alam?

"Hindi po. Yun nga eh, magaling sila makipagbakbakan kaya flawless pa rin po ang anak niyo. Gwapo naman sadyang masungit at mayabang lang."

"Mabuti naman kung ganun. *sigh*"

"Wag niyo po sanang masamain ang itatanong ko. Bakit parang hindi niyo po kilala ang anak niyo?" nakita ko ang lungkot sa mukha ng nanay ni Blue sa tanong ko. Aist! Daldal ko naman kasi.

"Ah wag niyo na pong sagutin."

"Baby palang siya ng iniwan ko sa lolo at lola niya. Naghiwalay kami ng daddy niya, may iba na akong pamilya at ganun din ang daddy niya." aww! Ibig sabihin sa lolo at lola lumaki si Blue.

"Never niyo pa po siyang nakita?"

"Nakita ko na siya, pero hindi ko magawang magpakita sa kanya."

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon