CHAPTER 48.2

20.1K 376 19
                                    

CHAPTER 48.2

DARYLL's POV

Ang sarap sa pakiramdam dito. Napakalamig, mas lalong nakakaantok. Ang sarap talagang magpahinga pagkatapos ng napaka nakakapagod na araw.

Upo, unat ng dalawang kamay, dilat ng mga mata.

\\=__=//

\\(O__O)//

Hindi namin to apartment. Nasaan ako?!

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAHHH!"

"Hey, what was that?" biglang may pumasok at agad akong napatayo sabay kuha ng lampshade dito

"Wag kang lalapit! Rapist ka!" sigaw ko na may halong pagbabanta

"Baliw ka talaga. Ibaba mo nga yang lampshade ko bago pa yan masira." pagtingin ko, si Blue lang naman pala. Teka, bakit ko kasama si Blue?

"Anung ginawa mo sa akin?! Saan mo ko dinala?!"

"Pwede ba tumigil ka na kakasigaw. Nahimatay ka, dinala kita dito sa bahay at pinacheck sa doctor."

"Bahay mo to?"

"Oo at nasa kwarto kita kaya kung pwede manahimik ka."

Napatahimik naman ako bigla. Okay, dahan-dahan na ibaba ang lampshade mamaya mabasag ko pa to.

Nakaupo siya ngayon sa kabilang side ng kama niya habang nakatalikod sa akin. Umupo din ako sa kabilang side ng kama niya.

"Nahimatay pala ako. Salamat sa pagdadala sa akin dito." nahihiya ko pang sinabi sa kanya

"Dapat nga iiwan nalang kita dun. Nakonsensya lang ako."

"Ang sama mo din talaga." humarap ako sa nakatalikod na si Blue. Tss.

Bigla naman siyang humarap kaya napatalikod ulit ako.

*gulp* nahuli niya yata akong nakatitig sa likod niya? E anu man masama dun? Likod lang naman diba?

"Iniwan ko yung date ko para sayo. Tingin mo ba tama yung ginawa ko na yun?"

Napaharap naman ulit ako sa kanya, magkaharapan na kami ngayon.

"Aba malay ko sayo. Wag mong isisi sa akin ang pag-iwan mo sa date mo."

"Masyado kasi kayong stress lately at pagod. Dapat magpahinga rin kayo."

"Saglit nga lang, concern ka ba sa akin?"

"At bakit naman ako magiging concern sayo?"

"Ah oo nga naman, you hate me nga pala. Oh siya, aalis na ako. Salamat nalang." tumayo na ako at naglakad palapit sa pinto nang bigla

Anu ba naman yan?! Bigla niya nalang akong hinila tapos nahiga tuloy ako sa kama niya, heto siya at nasa ibabaw ko.

"Problema mo?"

"Ikaw."

"Huh?"

"Sinisira mo ang ulo ko."

"Pinagsasabi mo? Matagal ng sira yan noh."

"Gusto mo ba si Eli?" out of nowhere niyang tanong

"Pwede ka naman magtanong ng nakaayos tayo ng upo, alis nga dyan muna." sabay pilit kong pagalis sa kanya

"Answer me. Gusto mo ba siya?" gusto ko nga ba si Eli? All I know is mabait si Eli at tinuturing ko na siyang kaibigan.

"Yes, gusto ko siya." mas naging seryoso tuloy ang mukha nito

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon