Chapter 44.6 - NO DULL MOMENTS WITH HIM

20.2K 372 10
                                    

Chapter 44.6 - NO DULL MOMENTS WITH HIM

LHEI's POV

Hulaan niyo kung saan kami nagpunta ni Lei? Akala niyo ba uuwi na kami? Ganun naman talaga dapat. Uuwi na dapat ako kaso heto at hinila ako papunta sa playground.

"Anu ba kasing gagawin natin dito?"

"Maglalaro. \\^___^//" nakataas talaga ang dalawa niyang kamay. Ito talaga may pagkaisip bata rin.

"Maglalaro tayo? Anu tayo mga bata?"

"Mga bata lang ba ang pwedeng maglaro? Tara slide tayo!" agad naman siyang nagpunta sa slide.

"WOOOOOOOHHH! Hahaha Namiss ko to!" sigaw niya ng makapagpadulas, agad naman siyang lumapit sa akin at hinila nanaman ako.

"Tara na! ^_^"

"Saglit lang, tignan mo nga yang mga bata pinagtitinginan tayo." kasi naman may iilan pang mga bata dito na nakatingin sa amin ngayon

"Pwede naman kaming maglaro dito diba? ^_^"

"Opo!" sigaw ng mga natatawang bata. Nakakatawa naman kasi itsura nitong si Lei.

"Kaya tara na?"

"Sige na nga, wala naman sigurong masama na maglaro ngayon."

"Walang wala talaga. ^_^"

Nagslide na nga kami, pagkatapos dun sa seesaw. Para nga siyang sira na niloloko ako na bakit daw lagi ako ang nasa baba? Bakit daw di niya ako kayang itaas?

Lakas pa ng tawa niya kanina. Pati tuloy mga bata nakitawa na sa amin. Nagmonkeybars din kami. Nagunahan pa nga kami at pinagchecheer kami ng mga bata. Syempre dahil sa mas malakas siya, ayun at nanalo siya. Ang yabang nga ng mokong.

"Ate, Kuya, laro tayo! Habulan!" sabi nung isang bata sa amin, kaya ayan tuloy pati yung mga kasama niyang bata nagsisigawan na sumali daw kami sa kanila

"Sige sasali kami! Masaya to! ^_^ Ikaw taya cheezycake!"

"Huh?! At bakit ako? Bakit kaya hindi ikaw?"

"Oo nga Kuya, ikaw nalang taya!"

"Oh sabi ko sayo mas maganda kung ikaw taya. Haha"

"Sige na nga! Dahil gwapo ako, ako ng taya!"

"Ano nanaman connect nun?"

"Lahat ng bagay at sitwasyon may connection sa pagiging gwapo ko." nagpose pa siya ng pang mr.pogi

"Wow! Mr. Pogi!" sabi ng mga bata

"Oh sabi sayo, hindi marunong magsinungaling ang mga bata."

"Oo nga, Mr. Pogi, the kilabots."

"Weh?????" sabi naman ng mga bata tsaka kami nagtawanan lahat

"1 2 3 Takbo!" sabi ng mga bata. Ako naman nashock at tignan lang sila sa pagtakbo.

"Oh cheezycake! Pinapadali mo yata tong habulan na to at hindi ka tumatakbo dyan." nakangiti siya at dahan-dahan sa paglalakad palapit sa akin. Ako naman paatras na lumalakad palayo sa kanya.

"Hoy Lei! Wag mo ko susubukang habulin! Sila ang habulin mo!"

"E bakit? Ikaw ang gusto ko. ^_^"

"Tumigil ka Lei!"

"Isa."

"Lei!"

"Dalawa!" yung mga bata pinagtatawanan kami. Naku naman!

"Layo!"

"Tatlo!"

"Anu ba naman yan!" agad-agad na akong tumakbo, yung bata ang lakas ng mga tawa. Lokong mga yun dapat sila ang hinahabol ng busit na Lei na to at hindi ako! Nakakapagod to!

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon