Chapter 44.2 - HE WANTS ME BACK

21K 388 43
                                    

Chapter 44.2 - HE WANTS ME BACK

LHEI's POV

Done with the class. Finally! I'm so tired and sleepy.

"Hatid na kita sa apartment niyo." pagoffer nitong si Lei

"Ayoko. Kaya kong umuwing mag-isa. In fact, hindi ako mag-isang uuwi. Kasama ko ang mga kaibigan ko."

"Alam ko, pero kasi gusto kong ihatid ka."

"Ayoko sabi!" aist! Lately sobrang naiirita ako sa F4 member na to. >_<

"Baba na ako. Hintayin ko nalang kayo sa may gate. May nambubusit sa akin dito eh."

"Cheezycake!" nangaasar talaga to, kaya naman binilisan ko lalo ang paglalakad

"Lhei." bigla naman may sumulpot dito sa harapan ko

"Oh? Bakit?" tanong ko dito sa lalaking ex ko, ex MU. Remember niyo ba yung nakita namin ni Lei sa mall? Ito rin yun. Siya si Mart, ang lalaking pinaasa ako.

"Pwede ba tayong mag-usap?"

"Naguusap na tayo."

"Alam kong galit ka sa akin."

"Alam mo naman pala. Kaya sige aalis na ako." paalis na talaga ako ng biglang hatakin niya ako palapit sa kanya at biglang niyakap. (O___O) Anung problema ng lalaking to?

"Sorry kung inakala mong pinaasa kita." inakala? Bakit hindi ba? Topak nitong lalaki na to.

"Nagawa ko lang naman yun kasi sinabi niyang sasaktan ka niya pag hindi naging kami. Ang sakit pala na makitang may boyfriend ka na."

"Huh? Anung pinagsasabi mo?"

"Yung kasama ko sa mall nun, yung nagpakilalang girlfriend ko, siya yun. May gusto siya sa akin, mayaman siya at kayang kaya niyang gawin ang lahat para masaktan ka. Ayokong masaktan ka kaya iniwan kita. Kahit sa mga panahong yun ay mahal na mahal kita, hanggang ngayon, mahal pa rin kita Lhei." totoo ba tong nangyayari? Totoo ba tong mga naririnig ko mula sa kanya?

"Sh*t! Bitawan mo ang girlfriend ko!" hinila niya ako at biglang sinuntok si Mart

"Hoy ako lang ang malanding gwapong lalaki dito! Kaya kung nangangarap kang maging malanding gwapong lalaki, wag ka ng umasa dahil hindi mo ko magagaya!" pinagsasabi nitong si Lei?

"Gusto ko lang naman siyang makausap." sabi ni Mart habang pinupunasan ang duguan niyang labi

"Sorry dude! Pero hindi ko pinapakausap kahit kanino ang girlfriend ko. Madamot ako at gusto ako lang ang kinakausap niya, kaya wag ka ng makalapit lapit sa kanya!" hinila na ako ni Lei para makaalis dun

"Lhei, magkita tayo bukas, break time sa dating tagpuan." sigaw ni Mart

"Hoy! Hindi ako nakikipagtagpo sayo! Asa ka!" sigaw ni Lei

"Baliw! Ako ang kinakausap niyan!" sabay binatukan ko siya

"Ouch naman cheezycake!"

Tinignan ko si Mart, seryoso ba siya? O lokohan nanaman to? Papaasahin mo nanaman ba ako ulit?

"Hindi ako pupunta." sabi ko sa kanya sabay talikod na

"Sabi ko sayo hindi ka na gusto ng cheezycake ko!"

"Hihintayin pa rin kita. Maghihintay ako."

Naglakad na ako at hindi na siya nilingon. *Sigh*

"Wag mo na siyang isipin." sabi nitong si Lei na sinasabayan ako sa paglalakad

"Tingin ko dapat ipagbawal na namin na wala ng ibang tao ang magpupunta sa floor natin, bukod sa teachers, sa inyo at sa amin." kaya kung nagtataka kayo kung bakit wala ng ibang nakakit ng eksena kanina, dahil yun sa nasa floor namin. Room lang namin ang nagiisang room dun tapos hallway na at may mga benches. Pinagtitinginan naman kami ngayon ng mga estudyante dahil magkasabay kami sa paglalakad nitong si Lei. Ang kakaiba lang ngayon e hindi niya pinapansin ang mga nag hello sa kanya, dati abot tengang ngiti ang isasalubong niya sa bawat bumabati sa kanya.

"Hindi naman siya karapat dapat isipin." patuloy pa rin sa pagsasalita to. Nakalabas na kami ng school. Buti nalang at walang mga estudyante dito sa labas.

"Ako nalang isipin mo cheezycake! ^_^" tumalon siya bigla sa harapan ko at nakangiti

"Nakukuha mo pang ngumiti! Hindi mo ba nakikita na nasasaktan ako ha? Nasasaktan pa rin ako dahil sa busit na ex MU ko na yun!"

"Cheezycake, wag ka ng umiyak." bigla niyang pinunasan gamit ang mga daliri niya yung tumulong luha ko. Hindi ko namalayan na napaluha na pala ako.

"Alam mo, hindi bagay sayo ang umiiyak. Mas bagay sayo ang matapang at palasigaw na si Lhei. Kaysa ang iyakan na si Lhei. Hindi mo dapat ipakita sa kanya na apektado ka pa rin sa lahat ng sinasabi niya. Ikaw lang ang masasaktan sa ginagawa mo." seryoso bigla ang mukha niya

"Hindi ko man alam kung ano ang mga sinabi niya sayo, gusto kong pag-isipan mo muna ng maayos kung tingin mo ba dapat kang maniwala sa mga sinabi niya. Wag kang gumawa ng desisyon na alam mong makakasakit lang ulit sayo. Isa pa, nandito naman ako. Hindi mo na siya kailangan." nakatingin lang ako sa kanya habang nagsasalita siya na seryosong seryoso. Hindi ko akalain na magagawang magsalita ng f4 member na to ng ganito. Pero sa totoo lang, napapagaan niya ang loob ko.

"Kaya tama na yan!"

"Tama ba namang guluhin ang buhok ko! Hoy f4 member!" ginulo niya kasi bigla ang precious hair ko

"Hehe yan bumabalik ka na sa dati."

"Baliw ka talaga!" lumayo siya sa akin at bigla nalang

"Bleeeeeeeh! :P"

"Para kang bata!"

"Mas maganda ka pag ganyan cheezycake ^_^" eh? Anu raw? >////////<

Naglakad na siya palayo. Baliw talaga yung Lei na yun pero kahit papaano, salamat sa kanya.

"Hoy cheezycake! Tara na! Ihahatid pa kita diba? ^_^"

"At sinong may sabing nagpapahatid ako sayo?"

"Ako! ^_^ Kaya itext mo na mga kaibigan mo na ihahatid kita sa inyo para hindi ka na hanapin pag labas nila." tss. Loko talaga nito.

Heto naman ako at nagGM na sa kanila na hindi ako sasabay pag-uwi. Siguro tama lang na sabay kami umuwi nito. Tutal, napagaan niya naman ang loob ko. ^_^

Tumakbo na ako para habulin siya sabay *BATOK* ulit sa kanya.

"Aray ko! Ganyan ka ba magpasalamat?!"

"Oo ^_^ Tara bilisin mo at uwing uwi na ako!" sabay takbo ko. Ewan pero ayoko na munang isipin pa yung sinabi ng Mart na yun. Mas okay na maging masaya kasama ang malanding gwapong lalaki na to. ^_^

***

SECRET POV (Who is this? Guess? :))

Para akong sira! Alam ko naman na masasaktan ako sa nakikita ko pero bakit hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa kanila?

Bakit ko ba kasi hinayaan na magpadala ako sa babaeng yun? Bakit ba hindi ko nalang siya pinaglaban? Bakit ba hindi ko

nalang siya prinotektahan?

Edi sana ngayon ako ang kasama niya at hindi yung lalaki na yun. Bakit ba hindi ko agad naisip noon na masasaktan ako pag nakita kong may kasama siyang iba?

Bakit ba hindi ko muna inisip na hindi ko naman pala kayang mawala siya sa akin? Na hindi ko kayang malaman na may boyfriend na siya?

Masaya sana kaming dalawa ngayon. Mahal ko siya at alam kong mahal niya pa rin ako hanggang ngayon. Hindi ko na hahayaan na magpatalo sa takot na kung anung pwedeng gawin ng babae na yun sa kanya.

This time, ipaglalaban ko na siya at hindi ko hahayaan na masaktan siya ng kahit sino. Poprotektahan ko siya.

Hindi sila bagay ng gangster na yun. Sa akin lang siya at gagawin ko ang lahat para mabawi siya. 

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon