Chapter 30.1 - FIERCE GANGSTERS ARE FINALLY HERE

24.6K 519 33
                                    

Chapter 30.1 - FIERCE GANGSTERS ARE FINALLY HERE

BLUE's POV

Anu ba naman yan?! Ito kasing si Nick hinabol habol pa ang mga yun. Nakitakbp takbo naman ako. Nakakapagod lang tuloy tapos ngayon dinala pa kami sa police station ng mga security guards na to.

Baliw kasi na Daryll yun, ipagsigawan ba namang mga rapist kami na humahabol sa kanila. Ito naman si Nick, hindi talaga nagpaawat at ginulpi pa yung mga guard.

Si Cloud lang ang hindi sumama sa amin dahil malamang mas gugustuhin nun na kasama ang Cherry niya. Nag stop over lang kami kanina sa Mall at di namin inaasahan na makikita namin sila dun.

"Aish! Asar!" sabi ni Nick sabay suntok sa pader sa tabi niya

"Hoy bro baka di tayo paalisin dito kung sisirain mo yang pader nila." sabi ni Cliff sa kanya

Hindi naman kami kinulong, nandito lang kami at tinatanong.

"Nanung gewa yu? Ot mamulayi kayu? (Anung ginawa niyo? Bakit kayo tumatakbo?)" tanong nung police

"Rapist lang kanu boss. (Rapist daw sila boss)" sagot nung isang guard

"Anung salita yan? Nakakabobo!" sabi ko sa kanila

"Pampanggo." sagot naman ni Max "Pwede po bang mag tagalog kayo? Kasi hindi naman kayo naiintindihan."

"Ah makanta. (Ah ganun)" sabi nung police

"Sinabi na nga mag tagalog!" sigaw ko naman dun sa police

"Hoy Blue! wag ka ngang sumisigaw, police pa rin yan." pag-awat sa akin ni Eli

"Kilala namin sila at hindi kami mga rapist." sagot ni Sky sa police

"Paanong kilala niyo sila? E sabi nila mga rapist daw kayo." sagot nung police. Kasalanan talaga to ng Daryll na yun.

"Sa gwapo kong to, mukha ba akong rapist?" tanong ni Lei sa police. Tinignan naman siya mula ulo hanggang paa nung police.

"Mukha naman kayong mga mayayaman." sabi nung police "Pero posible pa ring rapist nga kayo."

"Aish! Kalokohan lang to!" sabi ni Sky

"Para matapos na to, ito ang bayad sa damage na nagawa ko sa inyo." sabi ni Nick sa guard at inabutan sila ng tig 5,000 pesos

"Tinawagan ko na si Ninong Rick. Tatawag na daw siya dito." sabi naman ni Ash

"Sino naman yun?" tanong ko sa kanya

"Police na mas mataas ang rank sa kanila." sagot ni Ash

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon