Chapter 43 - NEW YEAR, NEW CRAZY STUFFS

21.7K 420 27
                                    

Chapter 43 - NEW YEAR, NEW CRAZY STUFFS

CARSE's POV

Pagkatapos sa outing, sinundo naman kami ni Man Ong at hinatid sa mga bahay namin. Pinagsisigawan pa namin siya kasi sa kalokohang ginawa niya. Bad ba kami? Biro biro lang naman yun. Alam naman yun ni Man Ong. Haha

Ngayon na ang araw ng pagbabalik namin sa Empire Academy.

Bagong taon, bagong kalokohan nanaman kami nito. Hahahahaha! :D

"Nakakatamad naman at papasok nanaman tayo." sabi ni Daryll habang naglalakad na kami papuntang school

"Himala yata Carse at hindi ka sinundo?" tanong ni Aliss sa akin

"Ayokong magpasundo eh." kahit na text ng text yun at tumatawag di ko siya nirereplyan, di ko rin sinasagot ang mga tawag niya. Arte ko ba? Hindi naman diba? Hahaha! :D

"Micah ikaw, akala ko ba nanliligaw si Cliff? Hindi ka rin yata sinundo?" tanong ni Jesx

"Ayoko rin." sagot ni Micah

"Kung ako sa inyo magpapasundo ako. Edi bongga sana at di ako naglalakad sa initan ngayon." sabi ni Daryll

Mille: "Bakit di ka nagpasundo kay Eli?"

Daryll: "Mille, wala lang naman yun. Lokohan lang yun."

Mille: "Parang hindi naman lokohan lang yun."

Daryll: "Lokohan lang yun. Lakas topak lang ni Eli."

"Tama na nga ang usapang lalaki na yan. Bilisan na nating maglakad dahil mainit na talaga." sabi ni Lhei

***

SOMEONE's POV

Nakarating na ang Fierce Gangsters sa school nila at gaya ng inaasahan nila, sinalubong nanaman sila ng mga gang na kaaway ng gang nila.

"Nandito na pala ang mga prinsipe." sabi ng leader ng Monokorubo Gang

"Namiss mo ang kagwapuhan namin noh?" sabi naman ni Lei

"Wala ng maraming satsat Fierce Gangsters. Laban na!" sigaw ulit ng leader ng Monokorubo

Tsaka naman sumugod na ang mga panget at madudungis na member ng Monokorubo.

"Leche! Ang aga-aga!" sigaw ni Sky

"Ayos nga to. Matagal din akong di nakapagexercise." sabi naman ni Blue

*BLAG*

*KABOOGS*

*PAK*

*BOOGS*

"Hanggang ngayon wala pa rin kayong ibubuga." sabi naman ni Yvo ng halos mapatumba na nila ang mga members ng kalabang gang

Si Ash lang ang nag-iisang di lumalaban. Bakit? Ganyan talaga siya. Pacool ang peg. Nakaupo lang na cool na cool sa motor niya habang parang may hinihintay.

Saktong padating naman ang Moronsx.

"May gulo nanaman pala." sabi ni Aliss habang palapit sila

"Oo nga noh. Away nanaman." sabi naman ni Carse

Napatingin naman si Ash sa kanila, ay mali, nakatingin lang pala siya kay Mille.

Napansin naman agad yun ni Mille kaya umiwas siya agad ng tingin.

Naalala niyo ba yung nangyari sa outing nila?

Gusto niyo pa ba malaman kung anung nangyari kay Mille at Ash pagkatapos nun? Wag nalang noh? Hahaha!

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon