CHAPTER 59.2 - LOVE IS LIKE A CLOWN

18.3K 321 23
                                    

LHEI'S POV

Kanina ko pa hinahanap si Lei pero mukhang hindi pa siya dumadating. Di ko na yun nakausap simula nung incident sa room. Pakiramdam ko tuloy dapat akong magsorry sa kanya.

"Wooh! Buti nalang at di pa nagstart." napatingin naman ako at si Lei nga yun na masaya na ulit

"Oh Lei, kagabi lang naglalasing ka sa bar ni Cliff ngayon masaya ka na ulit." sabi ni Max sa kanya. Naglasing siya kagabi? Kaya pala nung sinundan ko siya, dun siya pumunta sa bar, di na kasi ako pumasok nun.

"Haha! Masaya na ako ulit. Wala namang dahilan para maging malungkot." napatingin naman siya sa akin "Isa pa, ang dami ko namang chicks dyan. Hahaha" agad niya naman iniwas ang tingin niya sa akin tsaka sinabi yun

*Sigh* Tinatamaan ako sa tuwing sinasabi niya yan.

"Sh*t! Bakit ngayon pa?! Okay! Wala na akong magagawa." si Yvo yun na may kausap sa phone at mukhang namromroblema

"Kuya, I'm so excited." paglapit sa kanya ni Yno

"Yes Yno, I know you are." sabay ngiti ni Yvo sa kapatid. Mabait na kuya pala to.

"Pero mas excited ako sa clowns! Dadating na ba sila?" sobrang ngiti pa ni Yno habang sinasabi yan

Napakamot naman ng ulo si Yvo bago sumagot "Yes, dadating na sila."

"Yehey!" tumatalon talon pa siya nun tsaka na siya bumalik sa mga kaibigan niya at pinamalita na dadating na ang clowns niya

"May problema ba?" tanong ni Max kay Yvo

Tumango naman to at sinabing "Walang clowns."

Tss! Lagot! Walang clowns? Paano na niyan si Yno?

*TING!* Light bulb!

"May naisip ako." sabi ko sa kanila tsaka sila napatingin sa akin

"Ano yun?"

I smiled at them and said "Kayo nalang ang clowns!"

"What????!" reaction nila yan

"Tama si Lhei, kung walang clowns, edi kayo nalang." sabi ni Daryll

"Sa gwapo naming to, hindi pwede yan." sabi ni Lei

"Mas gugustuhin niyo ba na malungkot si Yno?" sabi ni Aliss. Napatingin naman sa kanya ang Fierce at mukhang napaisip.

"Tama sila. That's the only way." sabi ng nakacross arms na si Ash

"Pumayag na si Ash, ibig sabihin dapat pumayag na rin kayo." sabi ni Mille

"Sige! Para kay Yno. Game na rin kayo ha?" sabi ni Yvo sa mga kasama

"Pero kasi---" pagtutol pa ni Sky pero nagsalita na ulit si Yvo

"Minsan lang naman. Ngayon lang ako hihingi ng favor sa inyo, isa pa, tayo-tayo lang naman nandito." sabi ni Yvo

"Game!" sabi ni Lei at Eli

"Game na rin ako." sabi naman ni Nick at Cloud

"Okay, I'm in." sabi naman ni Sky at Blue

"Ako rin." sabi naman ni Cliff

"Ayos to!" sabi naman ni Yvo na talagang masaya dahil nasolve na ang problem niya. Thanks to my bright idea!

"Hello, buy some clown costumes and make up. Mag dala na rin kayo ng make up artists dito." sabi yun ni Max na may kausap sa cellphone

Maya-maya lang, dumating na ang make up artists at mga gamit nila.

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon