CHAPTER 58 - SWEETNESS 101

18.5K 322 19
                                    

CHAPTER 58 - SWEETNESS 101

DARYLL'S POV

*Knock Knock*

Napaharap naman kami sa pintuan.

"Delivery po para kay Ms. Daryll Perez."

"Para sa akin?" tanong ko sa kanila

"Sino pa ba yung Daryll dito?" sabi ni Carse

"Uy manahimik ka dyan snickers!" sigaw ko sa kanya sabay tayo na at lumapit sa delivery boy sa labas

"Nasaan?" tanong ko sa delivery boy kasi naman wala naman siyang hawak

"Pirmahan niyo nalang po muna to."

"Okay." sabay pirma ko "Oh nasaan na nga?"

"Dumungaw nalang po kayo dun." inutusan pa talaga ako ha?

Lumapit nalang ako dun at dumungaw sa baba.

"Ano to?!" sigaw ko nang makita yung nasa ground floor

"Uy makasigaw naman Daryll!" sabi ni Carse tsaka siya lumapit sa akin "OMG!" sigaw niya rin

Parang kilala ko na kung sino ang nagpadelivery niyan.

Agad na akong pumasok sa room at nilapitan ang salarin na patay malisya pa.

"Uy Blue! Malakas talaga ang topak mo noh!" sigaw ko sa kanya

"Oh ano nanaman ba ang nagawa ko?" tanong niya sa akin na umaarte pang walang alam

"Lakas ng saltik mo! Sabihin mo nga sa akin kung paano ko iuuwi ang mga yun mamaya? Kung si Ash at Dustin binigyan si Mille na isang bouquet e ikaw? Abnormal ka! Bigyan ba naman ako ng halos magmukhang garden na dun sa baba!" sigaw ko nanaman sa kanya

"Hanep ka pala Blue." pangiti ngiting sabi ni Max

"Sinabi ko naman sayo na magiging sobrang sweet ako sayo." nakangiting sabi ni Blue

"Sweet? Sweet ang tawag mo dun? Pahihirapan mo lang ako sa paguwi nun! Isa pa wala akong paglalagyan ng mga yun sa apartment namin."

"Ako na ang bahala sa lahat ng yun mamaya. Wag ka ng magalala, ang mahalaga natanggap mo na ang pinadala ko. Maganda diba?" aaminin ko maganda nga naman kaso naman kasi ang dami naman talaga nun. Asar ha!

"Abnormal ka talaga!" tumalikod na ako sa kanya tsaka niya naman ako biglang hinila at napaupo sa lap niya sabay hawak niya sa bewang ko

"Ano ba?! Bitawan mo nga ako Blue!" sigaw ko sa kanya pero di siya natinag at inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Napansin niyo bang madalas niya yang ginagawa?

"Malapit ka ng mahulog sa akin. Ramdam ko yun." nakangiti pa siya sa akin. Leche to! Porket gwapo!

"Bitawan mo ko!" sigaw ko sa pagmumukha niya. Yan ang tactic number 2 ng Moronsx. Kung kikiligan ka, kahit saang sitwasyon pa yan, sumigaw ka ng bonggang bongga para mawala sa ulirat ang lalaking nagpapakilig sayo.

Agad akong napahiwalay kay Blue nang halos mabingi siya sa ginawa ko.

"Anong akala mo?! Easy to get ako? Para sabihin ko sayo hindi ako gaya ni Carse na bigyan lang ng snickers bibigay na! I'm extra ordinary!"

"Nadamay nanaman ako dyan. Hindi lang naman dahil sa snickers ko sinagot si Nick." pag apila ni Carse na nagpatawa sa Fierce Gangsters

"May affected nanaman dito! Hahahaha!" sigaw yun ni Jessica na pinsan ni Dustin na nakatingin kay Eli

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon