Chapter 34 - IS IT TOO OBVIOUS THAT I'M A GANGSTER?

22.7K 489 13
                                    

Chapter 34 - IS IT TOO OBVIOUS THAT I LOOK LIKE A GANGSTER?

CLIFF's POV

After namin ihatid si Nick kina Carse. Heto at papunta naman kami kina Micah. Sino pa nga ba ang pupunta dun? Syempre ako!

"Ayos lang kaya si Nick?" tanong ko

Sky: "Malamang masakit na ang tenga nun kakasigaw nung Carse."

Blue: "Ginagawa niya lang ang plano." yan nanaman yang plano na yan

Ako: "Sa tingin ko hindi. Ginagawa niya lang kung anung gusto niya."

Blue: "Bakit tingin mo may gusto nga talaga siya kay Carse?"

Ako: "Parang ganun na nga."

Yvo: "Cliff, ikaw ba may gusto talaga dyan sa Micah na yan?" hindi ko pa sigurado kung gusto ko nga talaga siya pero nagpapasalamat ako na kahit papaano nakakalimutan ko ang ex ko dahil sa kanya.

Blue: "Baka naman ginagawa mo lang siyang panakip butas?" napatingin naman ako kay Blue ng sinabi niya yun. Ginagawa ko nga bang panakip butas si Micah?

Max: "Natahimik ka yata Cliff. Nandito na tayo. Wag mo ng isipin ang sinabi ng mga yan. Gawin mo yung kung anung gusto mo." tama si Max.

I guess, ito nga ang gusto ko, sa ngayon.

Bumaba na ako at nandito na ako ngayon sa tapat ng gate ng bahay nina Micah. Hindi ko alam kung dapat ba na nandito ako. Tss. Anu ba naman yan?!

"Sino ka?" may nagtanong na lalaki mula sa likuran ko

"Cliff ang pangalan ko. May kakilala ako dito." sabay turo ko sa gate nila Micah

"Sino? E ngayon lang kita nakita dito?" tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Weirdo naman nitong bata na to.

"Ah bata, kilala mo ba si Micah? Kasi kaklase niya ako."

"Maniwala sayo! Ngayon lang kita nakita, siguro trip trip mo yan noh? O baka naman naka drugs ka ha?" lokong to ha!

"Bakit hindi mo siya tawagin para malaman mong kilala niya ako."

"Para ano? Para pagka pasok ko tsaka ka naman susunod sa akin tapos papasukin mo ang bahay namin? Para malaman mo hindi kami mayaman!" isabit ko kaya sa puno tong bata na to?

"Hoy Den! Sino ba yang kausap mo at ang lakas ng boses mo dyan?" isa pang lalaki na mukhang mas matanda ng konti dito sa tisoy na batang kaharap ko

"Paano kasi ito magnanakaw na nakadrugs, kilala daw si Ate." oh? Ate daw? Kapatid pala ni Micah tong makulit na batang to.

"Kakilala ka ni Ate? Kailan pa nagkainteres si Ate makipagkaibigan sa mga lalaking mukhang-- *tinignan din ako nito mula ulo hanggang paa* gangster?" ganun ba kahalata sa akin na gangster ako?

"Halata ba masyado? Oo, gangster ako."

"Gangster ka? Cool!" sabi nitong tisoy na bata

"Ate! May gangster dito!" sigaw nitong isa

Narinig ko namang may lumabas mula sa pintuan nila.

"Anung gangster pinagsasabi niyo dyan? Nakuha niyo nanaman yan sa look ni Mike He sa Devil Beside Me noh? Nakikinood kasi kayo sa akin eh." napastop siya nang biglang makita ako

"Hi Micah!"

"Cliff?!!! Bakit ka nandito?"

"Kilala mo talaga siya ate?" tanong nung lalaking nasa gate

"Kuya, di mo naman sinasabi na kilala ka pala talaga ni ate, tara usapang gangster tayo." sabay hila sa akin nitong si tisoy. Lokong bata to, kanina ko pa nga pinipilit na kakilala ko ang ate nila, sinabihan pa nga akong nakadrugs at magnanakaw

"Teka, bitiwan mo siya. Maguusap muna kami." sabi ni Micah sabay hila sa akin kaya ayun pumasok na sa loob yung dalawa

"Kapatid mo mga yun? Nagiisa kang babae? Panganay ka pala."

"Bago ka mamangha dyan, sagutin mo muna ang tanong ko, anung ginagawa mo dito?"

"Hmmmm, para dito?" sabay angat ko sa hawak hawak kong pizza

"Pizza?"

"Yeah, wala kasi akong kasamang kumain nito kaya ikaw naisip ko."

"Cliff naman, bakit hindi ka nalang nagstay sa villa?"

"Nakakaboring dun. Isa pa, ayos nga yun at makakasama kita." napansin ko naman na namula siya sa sinabi ko

"Teka, namumula ka." sabay hawak ko sa right cheek niya

"Hindi noh!" sabay layo niya sa akin

"Hehe ang cute mo magblush."

"Hindi ako nagblush."

"Micah, may bisita ka daw."

"Pa, opo. Kaklase ko po sa Empire."

"Kamusta po? Magandang umaga." pagbati ko sa tatay niya

"Oh hindi ba sa Manila pa ang Empire, buti at binisita mo siya dito?" paano ko ba sasabihin na gusto ko kasing mas makilala ang anak nila? Tss. Hirap naman nito.

"Baka naman gustong manligaw ni Kuya Gangster kay ate." sabi ni tisoy

"Hoy Den manahimik ka nga dyan!"

"Gangster ka? At gusto mong manligaw sa anak ko?"

"Ah ano po kasi--"

"Hindi po Pa. Hindi po siya gangster. Nagloloko lang yang si Den." mukhang ayaw ipaalam ni Micah sa tatay niya na gangster ako. Sabagay, sino ba namang tatay ang magugustuhan na magkaroon ng kaibigan na gangster ang anak niyang babae?

"Pero sabi niya kanina gangster siya. Diba kuya?"

"Biro ko lang yun sa inyo."

"Tss. Biro lang. Asar naman to." tapos pumasok na ulit si tisoy sa bahay nila

"Oh kung ganun, halika pasok ka." sabi ng tatay nila

Bago kami pumasok ni Micah sinabihan niya pa ako na wag magbabanggit tungkol sa gang namin at sa pagiging gangster ko. Sumang-ayon nalang ako syempre.

Pagkapasok namin, yung tatay at mga kapatid niya wala sa sala nila.

"Bakit kasi nagpunta ka pa dito?"

"Diba sinabi ko na sayong gusto kitang mas makilala. Kaya nga liligawan kita."

"Liligawan?" narinig kong boses ng tatay niya na nandito na ngayon sa sala at may dalang juice

"Pa ano kasi." natataranta si Micah at mukhang hindi niya alam ang sasabihin. Hmmm, manindigan ka Cliff sa sinabi mo.

"Gusto ko po sanang ligawan ang anak niyo."

"Cliff!"

"Kaya pala mula Manila sinundan mo siya dito."

"Opo."

"Hindi naman ako tutol sa panliligaw na yan. Kaso nga lang alam mo naman siguro na malayo siya sa amin tuwing may pasok kayo."

"Alam ko po yun. Wag po kayong magalala, hindi ko naman po pagsasamantalahan ang kabaitan ng anak niyo." alam ko namang ganyan ang mga salitang gustong marinig ng mga magulang, nagawa ko na rin namang manligaw noon kaya hindi na bago to sa akin.

"Mabuti kung ganun. Ang gusto ko e maging tapat ka dyan sa anak ko."

"Oo naman po."

"Pa, hindi ko pa po siya pinapayagang manligaw." napalaki naman ng mata ang tatay niya sa sinabi niya

"Oh hindi ka pa pala pinapayagan."

"Oo nga po pero gusto ko na pong maipaalam sa inyo, para atleast kung payagan niya man ako e alam niyo na."

"Yan e kung papayagan kita?"

Tumingin naman ako sa kanya at ngumiti


"Kahit hindi ka pumayag, liligawan pa rin kita."

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon