CHAPTER 69 - LOVE MAKES YOU HAPPY

19.2K 329 34
                                    

DARYLL'S POV

*Yawn*

*Unat*

*Unat*

"Good morning beautiful world!" bati ko sa isang napakagandang araw. Special day ko to. Birthday ko lang naman ngayon. ^_^

"Teka! Nasaan ang mga kaibigan ko? Anung oras na ba?"

Aba! 6am palang, nasaan sila? Ang linis na nga ng mga higaan nila. Wala rin ang mga uniforms nila?

Ibig sabihin ba nito.

"WAAAAAAAAAAAHHHHH! Ninakawan ako ng mga kaibigan!" sigaw ko dito na parang baliw sabay labas ko sa living area

Hala! Wala nga talaga sila >_<

"Bakit naman sila pa ang ninakaw? Wala naman mapapala ang mga magnanakaw sa kanila. Tss."

Makapag ayos na nga lang.

Pagkatapos kong mag ayos ng sarili, heto at mag isa akong kumakain ng almusal.

Ako pa tuloy ang nagprito ng hotdog =__= Nasaan na ba kasi ang mga bruha na yun? Wala pa silang kahit isang text sa akin. Nakalimutan ba nilang birthday ko? ( _._)

*Ting!*

"Alam ko na! Malamang isusurprise nila ako! Hahaha! Ang talino ko talaga. Happy birthday to me! \\^___^//"

Nagmamadali akong magpunta sa school, hindi dahil sa late na ako, kundi dahil sa excited ako sa surprise nila sa akin. Ano kayang gift nila sa akin ngayong taon? Sana naman wag pink undies, I hate pink! ( _._)

Ang energetic ko ngayon! Sabagay, kailan ba hindi? Ah alam ko na! Hindi ako energetic pag tinatamad akong maging energetic. Hahaha! Talino ko naman talaga. Ano ba yan! ^o^//

Parang akong batang excited sa laruan na naglalakad sa school grounds.

Agad din akong dumiretsyo sa room.

"Bakit parang ang tahimik yata? Hmmmm."

Ito na ba ang surprise nila? Yieeeeeee!

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nasurprise talaga ako sa nakita =__=

"Nasaan na ba ang mga yun?"

Walang katao tao sa room. Nakakainis naman! Dapat magpapanggap na akong nasurprise eh =__=

Hmmmm, ang isip ng mga babaeng yun, malamang isang weirdong regalo ang inihanda nila pero bakit wala rin ang Fierce Gangsters sa room?

Hindi naman siguro nila sinabi sa mga yun na birthday ko diba?

Malamang, sinabi nila. Madaldal nga pala ang mga yun. ( _._) Parang ako lang! Haha!

Hala! Nakakabaliw ang mag-isa!

*Ting!*

Bakit ba umaapaw ang katalinuhan ko pag birthday ko? Haha! Alam ko na kung nasaan sila. ^o^

Pumunta na ako sa lugar na naisip ko. May ingay! Tama nga ako! Nandito sila! ^o^

"SURPRISE!!!! \\^_^//"

"Daryll?!" nanlaki ang mga mata nila nang makita ako. Akala niyo ba sila ang sumigaw ng surprise? Haha! Mali kayo! Ako ang sumigaw nun. Haha!

"Paano mo nalaman na nandito kami sa rooftop?" tanong ni Jesx

"Umaapaw kasi ang katalinuhan ko today. Hohoho!"

Infairness! Ang ganda ngayon dito sa rooftop. Puno ng mga flowers ang paligid. Nagmukhang garden dito. May malaking tarpaulin na may nakasulat na happy birthday. May mga iilang upuan at mesa. Insant party pala to.

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon