Chapter 36 - ONE BIG FAMILY

22.7K 464 8
                                    

Chapter 36 - ONE BIG FAMILY

SKY's POV

"Don't you dare do to me what you just did to Yvo!" kasi naman nandito kami ngayon sa harap ng bahay ni na Jesx at masama ang tingin nila Max at Lei sa akin.

"Chill lang bro." sabi ni Lei. E paano ako magchichill ngayong alam kong pwersahan nila akong papabababain? Sabi na nga hindi ako dapat sumama.

"Game na." sabi ng nakangiting si Max. Nakuha niya pang ngumiti.

"Subukan niyo at gugulpuhin ko kayo!"

Max: "Eli at Lei, tulungan niyo ko dito."

Eli and Lei: "Game!" at lumapit sila sa akin at pinaghihila ako, hindi nila ako mahila kaya ginawa nila akong parang sako na itatapon lang sa ilog.

"Ano ba?!!!!"

"Kung ayaw mong ihagis ka namin dyan, umayos ka Sky." sabi ni Max

"Are you crazy dude? Bakit mo ginagawa to?"

"Because it's fun." sabay hagis nila sa akin sa labas ng van

Hindi na ako nag abalang sumigaw dahil pinaandar na agad ni Max ang van. Nababaliw na nga yata talaga ang lalaking yun.

"Wow! May isang anghel na hinulog ng langit para maging jowa ko." pagharap ko isang babae pala na nasa loob ng gate nila Jesx

Tumayo naman ako at inayos ko ang sarili. Lumabas naman yung babae.

"Isa ka bang anghel?" isa rin yatang baliw to

"Mukha akong anghel pero hindi ako ganun. Tao ako." malamig kong pagkakasagot sa kanya

"Ang cool naman ng boses mo. Ganyan ang iniimagine kong boses ng magiging jowa ko." babae ba talaga to o bakla? Ang bakla kasi magsalita.

"Hoy Khei! Buhatin mo naman tong si Baby Kenneth." si Jesx yun na niluwa ng pinto at may hawak na batang lalaki

"Sandali may anghel pa dito na mas gusto kong buhatin."

"Ano kamo?!" tanong ni Jesx at napatingin sa amin, mali, sa akin pala siya napatingin

"Sky???"

"Oo, isa siyang hulog ng langit." sabi nitong babae na tinawag na Khei ni Jesx

"Heh! Manahimik ka nga dyan." sigaw ni Jesx sa kanya

"Bakit ba? Oy! Ako unang nakakita sa gwapong anghel na to kaya wag ka ng eepal."

"Kung isumbong kaya kita sa boyfriend mo?"

"Ah sabi ko nga, papasok na ako sa loob at bubuhatin na yang si Baby Kenneth. Ikaw naman kasi ang bata mong mag-asawa, pinapaalaga mo pa sa akin tong anak mo." asawa at anak?

"Baliw! Oh pasok na kayo." at inabot niya na yung baby dun sa babae

"Pogi. I facebook mo ko ha? Text ko sayo mamaya." as if namang alam niya ang number ko? Tsss. Baliw!

"Nakuha mo agad number niya?"

"Hindi."

"Sira ka talaga!" tapos umalis na yung babae

"At ikaw?"

"Napano ako?"

"Napano ka? Anung ginagawa mo dito?"

"Itinapon."

"Huh? Wag mo sabihing totoo ngang hinulog ka ng langit ha?"

"Baliw! Itinapon ako dito nina Max."

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon