CHAPTER 61 - LOVE IS LIKE BEING INTOXICATED

18.2K 312 22
                                    


MICAH'S POV

Foundation Day na! Sana naman may magandang mangyari ngayon. >_< 5pm na kami pumunta sa school dahil mas maganda pag pagabi na.

"Magenjoy tayo ha? Lagi nalang tayong nastress dahil sa Fierce." sabi ni Jesx

"I totally agree! Kailangan ko talagang magenjoy ngayon." yan talaga ang kailangan na kailangan ko.

"Uy Lhei! Magtapat ka nga sa amin, kayo na ba ni Lei?" tanong ni Carse

"Kami? Hindi pa noh!" sagot ni Lhei sa kanya

"Hindi pa? Pero may holding hands at yakapan? Yan ang hindi pa?" sabi naman ni Jesx

"Oo, hindi pa nga." paguulit ni Lhei

"Wag niyo kasing ipressure si Lhei, so kayo na nga?" sabi naman ni Daryll.

"Wag palang ipressure ha?" sabi naman ni Mille

Lhei: "Kayo naman, pwedeng chill lang? Hindi pa. Yun lang yun."

Aliss: "Anu na bang status niyo?"

Lhei: "Hmmmm, status?!"

"Ongoing! Ongoing ang status namin. ^__^V" biglang sulpot ni Lei

"Mala wattpad pala kayo, bakit kaya di niyo muna ihiatus?" sabi ulit ni Mille na nagpatawa naman sa amin. Ngayon nga lang naman kami nakarinig ng Ongoing na status e sa wattpad lang yun. Haha!

"Cheezycake, ayaw niyo bang pumasok sa loob?" tanong ni Lei

"Oo nga naman, bakit dito tayo sa harap ng gate nagchichikahan?" sabi ko sa kanila. Kanina pa kami dito sa harapan ng gate ng Empire Academy, malay ko ba kung bakit dito kami nagchikahan. Ganyan lang siguro talaga kami, anytime, anywhere basta magkakasama gora lang sa tsismisan, walang pinipiling lugar.

"Lezz go!" masayang sabi ni Lei sabay hawak nanaman sa kamay ni Lhei

"Asus! Nung ganyan kami ni Nick dati halos sigawan na ako nitong si Lhei tapos ngayon siya naman." sabi ni Carse

"Please walang magkukumpara." sabi naman ni Lhei

No comment nalang! Hayaan nalang natin ang mga inspired sa PBB teens ^__^V Ewww yun! Haha!

Pagkapasok namin sa academy, halos mapanganga kaming lahat sa ganda ng itsura.

"Nasa enchanted kingdom ba tayo?" tanong ni Aliss

"No, disney land yata yun." sagot naman ni Carse

"Yung totoo? OA lang?" sabi naman ni Daryll

Pero talagang nag mukhang amusement park ang Empire. Maganda na dito sa entrance, paano pa kaya sa loob?

"Tara lezz explore!" sabi ko sa kanila tsaka na kami naglakad-lakad

Mayayaman talaga ang estudyante dito, kasi naman pabonggahan ng booth, walang mga pipitsugin. Kung dati maganda na ang Foundation Day, mukhang mas bongga ang ngayon kumpara sa mga nakaraang taon.

Kanina pa kami aliw-aliw sa paligid pero hindi pa namin nakikita ang Fierce, bukod kay Lei na kasama namin.

"Lei, nasaan ang snickers ko? Di kasi nagrereply." tanong ni Carse

"Ah malay ko." nakangiting sagot ni Lei

"Malay ka dyan! Hmp! Nasaan na kaya yun?" sabi nitong si Carse.

"Uy Carse, talagang donald duck yang suot mo ha?" pagpansin ko sa damit niya

"Bigay sa akin ng snickers ko kahapon, dahil weeksary namin."

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon