Chapter 44.3

20.5K 385 14
                                    

Chapter 44.3

JESX' POV

Nakalabas na si Lhei, si Carse naman may pupuntahan daw, si Daryll may date daw. Kami nalang nina Mille, Aliss, at Micah ang nandito. Kasama ang ibang Fierce.

"Hindi na talaga bumalik si Max at Ash." sabi ni Eli. Napatingin ako kay Mille na bigla nalang napasigh.

"Uy napano ka?"

"Wala naman."

"Kanina pa yan ganyan." sabi naman ni Aliss

"Napano ka ba kasi Mille?" tanong naman ni Micah sa kanya

"Wala. Wala lang to. Tara uwi na tayo."

"Kung may problema ka pwede naman natin yang idaan sa maboteng usapan."

Aliss: "At kailan pa tayo uminom ng alak?"

"Pag maboteng usapan, alak agad? Hindi ba pwedeng juice lang o kaya softdrinks at tubig."

"Maguumpisa nanaman kayong magbangayan. Tara na nga Mille at iwan na natin ang dalawang yan." pag-aya ni Micah kay Mille

Lumabas na kami at nakasalubong tong si Cherry.

"Hi Girls! ^_^" pagbati niya sa amin

"Hi din sayo."

"Pauwi na kayo?"

"Oo. Sige alis na kami."

"Sige ingat. ^_^ Oh hubby nandyan ka na pala. Tara uwi na tayo." hindi na ako lumingon pa dahil si Sky sigurado ang nakita nun

"Hey hubby! Teka!"

Bigla nalang may nanghatak ng kamay ko "Sabay tayong uuwi."

"Oy teka!" kinaladkad niya ako. Bakit ba lagi niya nalang akong kinakaladkad?

"Hubby!"

"Bitawan mo nga ako!" hinatak ko yung kamay ko para mabitawan niya. Nandito na kami sa labas ng school.

"Tss." sabi niya. Mukhang siya pa ang asar. Dapat nga ako ang maasar.

"Anu bang problema mo ha?! Wala ka na bang alam kundi kaladkarin ako! Kung gusto mo lang iwasan yung si Cherry, hindi ako ang dapat ginagamit mo! Leche!"

"Hoy! Dapat ka pa ngang magpasalamat kasi never akong nakipagholding hands sa mga babae, sayo lang!" sa akin palang?

"Ah baka naman kasi lalaki ang type mo at hindi babae?!"

"Anung akala mo sa akin?"

"Bading."

"Anu?!"

"Sabi ko bading ka, bakla, shokla, zombadings!"

*CHUP* kung dati hinalikan niya ako sa cheeks, this time hinalikan niya ako sa lips. Bakit niya to ginawa?

"Kaya bang humalik ng babae ang isang tunay na lalaki?" sabi niya matapos niya akong halikan. Hindi ako makapagsalita. Asar! Hindi ako dapat magpatalo sa lalaking to!

"*sniff* Bakit mo siya hinalikan?" boses yun ni Cherry, lumingon ako at nasa likuran ko nga siya.

"Nakita mo naman siguro yun Cherry? Siya ang gusto ko at hindi ikaw."

"Bakit mo *sniff* ba to ginagawa sa akin Hubby?"

"Simple lang, dahil hindi kita gusto." ang sama talaga ng ugali ng lalaking to. Parang wala siyang pakialam sa feelings ng iba.

"Hoy!"

"Bakit?"

"Isa kang lalaking walang puso! Wala ka man lang sa pakialam sa nararamdaman niya? Sinaktan mo siya!"

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon