Chapter 35 - A KISS FROM HER

23.4K 472 16
                                    

Chapter 35 - A KISS FROM HER

YVO's POV

"Ano ba sinabi ko sa inyong ayoko dito?!!" sigaw ko sa kanila na pilit akong tinutulak palabas ng van

"Sige na kasi!" sabay tulak ng malakas sa akin Max

"Humanda ka sa akin mamaya Max!" sigaw ko nang maitulak nila ako at biglang nalang umalis.

Leche naman! Anong gagawin ko dito?! Buti sana kung sexy babes ang makakasama ko dito at magaling manromansa. Poteek! E masisigawan lang ako ng babaeng to, isa pa, hindi ko type ang mga masyadong inosenteng gaya niya. Aish!

Aw! Aw! Aw! Isang mahinang tahol ang narinig ko. Sumilip naman ako sa gate nila pero wala naman aso dun.

"Sushi!" sigaw bigla ng aling maliit. Kilala niyo na kung sino yan. Hindi si Ryzza ng Eat Bulaga, kundi itong inosenteng babaeng si Aliss.

"Teka, anung ginagawa mo dito?!" buti naman at napansin niya ako

"Wala. Napadaan lang." sagot ko sa kanya sabay talikod

"Yun naman pala eh. Tara na sushi pasok na tayo sa loob at magpreprepare pa tayo for Christmas. May pulubi lang na napadaan." pulubi? Sino? Ako? Ang gwapong habulin ng mga babae at kilalang player na si Yvo tinawag niyang pulubi?

"Hoy! Hindi ako pulubi!"

"Sabi mo eh. Alis na!"

"Talagang aalis na ako." tumalikod na ako ulit at aktong aalis na pero hindi ko nga pala alam ang pabalik dun sa villa. Aish!

"Oh bakit hindi ka pa umaalis?"

"Papasok muna. Hihintayin ko lang balikan ako dito nina Max."

"Ayoko."

"Hoy! Hindi ka ba naaawa sa akin?"

"Wala ako nun. Sorry ka."

"Tssssss. Asar!"

"Hahaha nakakatuwa talaga tuwing naaasar kita. Tara pasok, pasalamat ka at may konting awa pa ako." tapos binuksan niya na ang gate. Salamat naman akala ko mabibilad na ako dun sa labas.

Pumasok na ako sa loob, pero nandito lang ako sa may garahe nila.

"Hindi mo man lang ba ako papapasukin sa loob?"

"Nandito ka na sa loob."

"Ibig kong sabihin sa loob ng bahay niyo."

"Pwede ka na dito. Diba sushi?" parang sira, kinakausap niya tong aso niyang pagkaliit liit naman pero kung makatingin sa akin akala mo e makakain niya ako. Tss. Nagmana sa amo niya.

Umupo nalang ako sa tabi niya.

"At sinong may sabing pwede kang umupo sa tabi ko?"

"Wala. Kailangan pa bang magpaalam?"

"Malamang dahil nasa teritoryo kita."

"Ang ingay mo rin talaga."

"Sayo lang ako umiingay ng ganito."

"Alam ko. Special kasi ako sayo eh."

"Uy kapal mo rin noh?!"

Napapangiti talaga ako sa tuwing naaasar ko siya. Kakaiba kasi pag siya ang naaasar ko.

Tumingin tingin naman ako sa paligid.

"Siguro naman wala kang boyfriend dito diba?"

"E ano naman sayo kung meron?" napatingin naman ako sa kanya

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon