Chapter 20 - CRAMMING TUESDAY

30.6K 605 24
                                    

Chapter 20 - CRAMMING TUESDAY

MILLE's POV

Yung kasama ko ngayon si Dustin. Ang weird lang talaga dahil bakit sila magkakilala ni Nick?

Nandito na kami sa harap ng school.

"Hey! Mauuna na kami." sabi ni Aliss

"Oy Pogi wag mong tatangayin yang kaibigan namin." sabi naman ni Daryll

"Hehe oo naman kahit gusto ko siyang tangayin ngayon di ko yan magagawa baka habulin niyo ko eh." sagot naman ni Dustin

Aba anu yun? May balak siyang tangayin ako? Yung totoo? May crush yata to sa akin eh? >/////< Infairness, gwapo naman at mabait wag lang sanang gangster :|

Pumasok na sila sa school, ako heto kasama muna sa labas si Dustin.

"Oh paano ba yan papasok na rin ako?" sabi ko kay Dustin

"Kahit ayoko pang papasukin ka hindi naman pwede lalo na at alam kong masipag kang estudyante. Haha"

"Bakit alam mo? Masyado bang halata? Yung totoo niyan, tamad talaga ako pero exam na kasi sa Thursday kaya kailangan kong pumasok." Nakakatamad naman kasi, merob bang estudyante na di tinamad?

"Di bale pag tinamad ka o nainip man tawagan mo lang ako at agad ako pupunta dito para sunduin ka tsaka tayo gigimik. ^___^" panay ang ngiti nitong si Dustin lalo tuloy siyang gumagwapo >///////<

"Alam ko ba number mo?"

"Ay oo nga pala, oh heto type mo dyan cellphone number mo." sabay abot niya sa akin ng cellphone niya at tinype ko naman dun ang number ko. Papakipot pa ba ko sa gwapong to? Haha

Pagbalik ko sa kanya ng cellphone niya edi malamang tinawagan niya ang number ko at ayun nasa akin na rin sa wakas ang number niya ng walang kahihirap hirap ^_____^V

"Ingat ka sa pagdrive okay? Papasok na ako."

"Sige ikaw din ingat lagi." at pagkatapos nun pumasok na ako sa school

Tuesday ngayon at sa Thursday na ang exam nakakainis naman, nakakatamad magreview. Sana Christmas Vacation na. Gusto ko ng kumain ng maraming handa sa Noche Buena at Media Noche. Takaw noh?

RIIIIIIIIIIIIIIIIINNGGG!

Hala tumunog na ang bell! Kailangan ko ng magmadali. Kailangan kong maging si Flash ngayon na makaakyat ako agad sa room, 3rd floor pa naman yun :|

Takbo Paakyat

Takbo Paakyat

Takbo Paakyat

"WAAAAAAAAAHHH!" bakit ako sumigaw? mali lang naman kasi ang tapak ko sa stairs, ayan tuloy muntik na akong mahulog at gumulong gulong sa hagdan buti nalang at may nakahawak sa akin pero payakap kasi yung pagkakahawak niya sa akin at magkatinginan pa kami. Teka bakit ba kasi napakadiretsyo ng tingin ng taong to sa akin? Napapagaya tuloy ako >/////<

"Ahmmm salamat." sabi ko para mawala naman yung titigan moment na yun. Binitawan na niya ko ng wala man lang sabi sabi at ayun naglakad na siya palayo sa akin. Ang labo talaga ng lalaking yun. Buti nalang at hindi ako ang nagtututor sa kanya, WAIT! Busit na Lhei yun! Nagpalit nga pala kami. Ibig sabihin ako ang magtututor kay Ash Empire? E ang labo ng taong yun >____< Paano ko siya kakausapin? Nakakatakot kaya! :|

"Uy late na tayo. Wala ka bang balak maglakad dyan?" biglang narinig ko pagtingin ko nandun pa pala si Ash at hindi pa masyadong nakakalayo. Teka nagsalita siya? Kinausap niya ako? Totoo ba to?

Loading . . .

Loading . . . . . . .

Loading . . . . . . . . . .

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon