Chapter 28 - WHO'S YOUR BOYFRIEND?!

24.7K 523 48
                                    

Chapter 28 - WHO'S YOUR BOYFRIEND?!

ALISS' POV

"Bakit ba kasi kailangan pang kasama tong babae na to?" tanong ni Yvo sa mudrakels niya

"I just like her for you. Kahit ngayon nga pwedeng pwede ko na kayong ipakasal na dalawa kung gugustuhin ko eh." hindi siguro seryoso ang nanay niya diba? >_<

"Aish! >_<" sabi ni Yvo tapos tumingin siya sa akin "This is all your fault."

"Kasalanan ko? Sino ba kasi ang ayaw akong paalisin kanina?" sagot ko sa kanya

"Ang cute niyo talagang mag LQ." nakasmile pa ang nanay niya habang sinasabi yan

Nanahimik nalang ako, ayaw ko na makipagtalo kay Yvo kasi baka sabihan nanaman kami nga LLQ edi naman kami lovers niyan.

Nagstop na kami sa tapat ng isang resto.

"Nandito na tayo. Baba na kayo." sabi ng nanay niya. Bumaba naman agad si Yvo tapos yung nanay niya sumigaw nanaman "Hey Yvo pagbuksan mo ng pinto si Aliss."

"Ayoko!" sigaw ni Yvo

"Hindi na po kailangan." tapos agad na rin akong bumaba

"Pumasok na kayo sa loob, ipark ko lang ng maayos to." tapos nagpark na ang nanay niya

Si Yvo naman agad na naglakad papasok sa resto, sumunod nalang ako.

"Goodmorning Sir Yvo." pagbati ng security guard. Aba at kilala siya.

Agad siyang umupo, ako naman sumusunod lang at umupo na rin. Kahit nakakahiya, di naman ako makakaalis basta basta eh.

Napansin ko lang na kilala siya lahat ng staffs dito.

"After nito umalis ka na." sabi niya sa akin

"Hindi mo na ako kailangan sabihan, aalis na talaga ako."

"Dapat lang."

Pagpasok ng nanay niya lahat binati rin siya.

"Oh nag-order na ba kayo?"

"Nag-order na ako." sagot ni Yvo

"Ikaw iha?"

"Ah hindi pa po. Hmmm, aalis na rin po sana ako."

"Huh? Hindi ka pa nga kumakain aalis ka na agad?"

"Pasyensya na po kayo, kailangan ko na po kasi talagang umalis, may imemeet pa po kasi ako." wala naman talaga akong imemeet palusot ko lang yan para makaalis na, pinapaalis na ako ni Yvo at isa pa ayoko na rin magstay dito

"Ipagpaliban mo nalang yan. Gusto pa kitang mas makilala. Masaya nga ako na ikaw ang girlfriend ng anak ko."

"Hindi ko siya girlfriend." pagsabat ni Yvo

"Opo, hindi po kami ng anak niyo at isa pa may boyfriend din po ako." napatingin naman sa akin si Yvo nang sinabi ko yun, e bakit ba? wala na akong maiba pang maisip

"May boyfriend ka at hindi si Yvo yun? Nakakalungkot naman." nalungkot talaga ang nanay niya dahil sa sinabi ko, nakakakonsyesya tuloy, pero tama lang yun kaysa isipin niyang kami ni Yvo

"Pasyensya na po talaga, kailangan ko na pong umalis." tumayo na ako "Mauuna na po ako."

"*Sigh* sige magiingat ka iha." after niyang sabihin yun, agad na akong lumabas sayang nga lang yung foods kaso okay na yun at nakaalis na ako. Napansin ko lang, bakit kaya ganun makatingin si Yvo porket sinabi kong may boyfriend ako?

Maglalakad ba ako pabalik sa school? Naku naman >_<

Habang naglalaka ako, may lumapit sa akin na lalaki, nagtatanong ng isang lugar.

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon