Chapter 44.7 - LOVE DRUNK

20.2K 399 29
                                    

Chapter 44.7 - LOVE DRUNK

MAX' POV

"Hoy Max! Bakit hindi na kayo pumasok?" tanong nitong si Eli na kararating lang kasama sina Yvo, Sky, at Cliff

"Anung nangyari dyan?" turo ni Yvo kay Ash

"Hindi ko rin alam. Kanina pa yan ganyan at hindi man ako kinakausap."

"Sky, mag-usap nga tayo." dumating na rin pala si Cloud

"Kung tungkol to kay Cherry, wag na."

"Alam ko naman na ginagawa mo yun para kainisan ka niya, pero wag naman sobra." mukhang napapabayaan ko yata tong si Cloud?

"Oo na Cloud. Magtapat ka na kasi. Nakakasawa na siya."

"Gagawin ko naman yun pero wag sa ngayon."

"Kung hindi ngayon, kailan pa?"

"Basta!"

"Kamusta?" dumating na rin si Nick

"May problema bro?" tanong ni Cliff

"Pagod lang." mukha ngang pagod siya at alam ko na ang nangyari dyan

"Oh buti at nandito na pala lahat." sabi ni Blue na kararating lang

"Akala ko ba tutulong ka sa lolo mo ngayon?" tanong ni Eli

"Sana nga tinulungan ko na ang lolo ko."

"Bakit? Hindi ba?"

"Naloko lang kasi ako. Oh bakit naglalasing yang si Ash?"

"Hindi namin alam." sagot ko

"Oh tara! Inom din tayo! Gusto ko rin magpakalasing ngayon." pati si Blue, mukhang may problema. Malamang nagkita na sila.

"Aloha mi amigos! ^_^" masayang pagbati ni Lei. Buti pa to at mukhang masaya.

"Oh lahat malungkot? Lahat gusto malasing?" tanong niya ulit

"Hindi. Ako ayos lang." sabi ni Cliff na mukhang mas mahihirapan sa darating na mga araw. Ngayon lang yan bro.

"Sh*t!" sigaw ni Ash sabay basag ng bote ng alak

"Oh napano ka?"

"Leche! Diba sabi niyo pag nalasing na mawawala na ang sakit? E bakit ganito pa rin? Sh*t!!" lasing na siya. Hindi naman yan magsasalita ng ganyan kung hindi.

"Anu bang nangyari?"

Hindi siya sumagot, bigla niya nalang diniretsyo ang pag-inom sa natitirang alak tsaka siya tumayo na halos matumba na.

"Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot at lumabas na ng bar.

"Sundan natin, baka mamaya magmotor yun, baka maaksidente pa." sabi ni Sky at tumayo na kaming lahat para sundan siya.

"Nandito yung motor niya." sabi ni Cloud

"Ayun pala siya." pagturo naman ni Nick. Sinundan namin siya pero hindi nilapitan.

May bigla nalang siyang nakabungguan ng lalaki. Mukhang mga lasing din na galing sa kabilang bar.

"Hoy totoy! Binangga mo ako!" sigaw nung isa. Nagtuloy sa paglalakad si Ash.

"Aba! Mayabang to!" sabi naman nung isa tsaka hinawakan si Ash, tinignan siya ni Ash ng masama at tinabig ang kamay nito na nakahawak sa balikat niya tapos naglakad na ulit

"Mayabang ka bata!" sinugod na siya nung isa pa pero nakailag siya.

"Aba sira*lo to!" sigaw nung isa tsaka sinuntok si Ash. Sunod-sunod na suntok ang natanggap niya.

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon