Chapter 15 - CARSE and NICK

28.1K 632 34
                                    

Chapter 15 - CARSE and NICK

CARSE's POV

Dahil nga sa nakita ako ni Nick heto at kinaladkad ako papasok sa instruments store na to.

Wala naman talaga akong hilig sa ganito.

Sinabi ko lang na kunwari mahilig ako para di siya magtaka.

Pero mas napasubo ako dahil dun. (_ _)

"Anung tingin mo dito?" sabi niya sa akin sabay harap sa akin nito flute

Malay malay ko naman dyan.

"Mukhang maganda naman." sagot ko sa kanya

"Talaga." sabi niya at trinay niya naman yung flute

Wow! Infairness marunong siya.

Habang tinitignan ko siya ngayon, siguro kung hindi ko alam na basagulerong member to ng fierce malamang magkacrush pa ako sa gwapong to.

"Maganda nga ang tunog." sabi naman niya

"Ang galing mo pala eh. Tingin mo lang alam mo na agad kung maganda o hindi." sabi niya ulit

Kung alam mo lang, natsambahan ko lang yan.

Ngumiti nalang ako ng pilit.

"Ito naman kaya." sabi niya ulit sabay hawak dun sa gitara

"Tingin mo maganda din ba ang tunog nito?"

"Siguro maganda. Kasi minsan kung ano pa ang pinaka simple yun pa ang mas maganda." at saan ko naman nakuha yang line ko na yan

Napansin kong napatitig sa akin si Nick dahil sa sinabi ko.

"Ah ibig kong sabihin---" papalusot pa sana ako nang bigla naman siyang ngumiti at trinay ang gitara

SHOCKS! May anghel yatang dumating at sumanib kay Nick? >/////////<

Nag strum na siya.

Bakit ganito parang ibang tao ang nakikita ko pag may hawak siyang musical instruments?

Parang mas lalo siyang gumagwapo.

KYAAAAAAAAAHHHH! >///////////<

Ano ba tong naiisip ko?

Para makaiwas nalang sa pasaway kong isip, nilapitan ko nalang yung isang piano dito at pinagpipindot ko.

DO

RE

MI

FA

SO

LA

TI

"Eh?" may bigla naman humawak ng kamay ko at tinutok yung daliri ko sa

DO

Sino tong may hawak ng kamay ko?

Syempre ang gwapong si Nick. HEP HEP! Kung ano ano nanaman naiisip ko >////////<

"Ganito yan." sabi niya at ginalaw niya ang kamay ko na hawak niya at pinindot ang mga keys sa piano

Ang ganda ng lumalabas ng tunog.

Sing ganda ng moment namin ngayon. WAAAAAAAAAHH! Baliw baliwan nanaman ako. >//////////<

***

NICK's POV

Ewan ko ba pero kumportable akong kasama ko ngayon tong singkit ewan na to.

Marami na rin naman akong babae na dinala sa musical intsruments store ko na to. Yes, sa akin tong store na to.

Mahilig kasi talaga ako sa mga instruments at syempre sa music.

Madalas nga kaming tumutugtog ni Cliff sa bar nila.

Sa dami ng babaeng dinala ko dito, ito lang singkit ewan na to ang nag enjoy ako na kasama ko.

Madalas kasi bored na bored ang mga babaeng dinadala ko dito, madalang lang siguro talaga ang nageenjoy sa musical instruments pero itong babae na to, mukhang nageenjoy naman kaya naman naeenjoy ko rin na kasama soya ngayon.

Akalain mo yung singkit ewan pa na to ang makakapagparamdam sa akin ng ganitong saya?

"Siguro maganda. Kasi minsan kung ano pa ang pinaka simple yun pa ang mas maganda." sinabi niya yan kanina at talagang napangiti ako sa sinabi niya kasi naman pareho kami ng idea tungkol sa mga ganyang bagay

Don't tell me, ganyan na rin ang magiging tingin ko sa babaeng to? Na mas maganda pa siya kaysa sa iba?

Ano ba naman tong pinagsasabi ko?

Paki explain nga sa akin?


Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon