CHAPTER 51.2 - REGULAR "WEIRD" DAYS

19.7K 341 31
                                    

CHAPTER 51.2 - REGULAR "WEIRD" DAYS

JESX' POV

"Oy Cloud! Hindi na tayo nakapasok sa 1st subject para lang sundan dito sa garden si Sky ha?"

"Oo ganun na nga. Anu ka ba? Dating gawi tayo."

"Tatawagan mo lang si Cherry isasama mo pa ako."

"We're partners diba?"

"Napasubo lang naman ako dito."

"Aish!!!!!" sigaw yan ni Sky kaya naman napatingin kami pareho ni Cloud sa kanya

"Bakit ba ako nagwoworry sa kanya?! Bakit ko ba siya iniisip?! This is crazy!" sigaw niya ulit

"Don't you think si Cherry na yan." sabi ko kay Cloud

"Sana nga si Cherry ang tinutukoy niya."

"Aish!!!!!!!!" mas malakas na sigaw ni Sky. Para siyang timang na palakad lakad dun. Bakit hindi nalang kaya siya tumayo?

"Natext ko na si Cherry." sabi ni Cloud at maya-maya lang sumulpot na nga ulit si Cherry dun

"What are you doing here?" mahinahon na tanong ni Sky kay Cherry

"Naramdaman kasi ng puso ko na nandito ka kaya nagpunta ako dito." nakangiting sabi ni Cherry, ang baduy pa ng banat niya ha.

"Cherry please naman." imbis na magsalita si Cherry, agad siyang yumakap kay Sky

"Hubby, gustong gusto kita." sabi ni Cherry

"Pero Cherry--" di pa nga natatapos ni Sky ang sinasabi niya nagsalita na ulit si Cherry

"Alam kong di mo ko gusto." sabi ni Cherry

"Ahhhhhhhhhhh!" sigaw ko yun ng may langgam na biglang dumapo sa paanan ko, agad akong napatayo at pinapagpag ang nasa paanan ko na puno ng langgam

"Uy Jesx! Chill ka lang naman!" sabi ni Cloud na napatayo na

"WAAAAAAAAAAAAHHH!" sigaw ko pa rin tapos may bato akong naapakan at biglang *BLAG*

"Ahhhh! Ang bigat mo naman Jesx." reklamo ni Cloud

"Jesx, Cloud, okay lang kayo?" tanong sa amin ni Cherry at obviously katabi niya si Sky

"Okay lang kami." sabi ko sabay tayo ko na

"Uy Jesx! Tulungan mo naman ako." sabi ni Cloud

Tinignan ko lang siya at sinabihang "Kaya mo na yan! Bleeeeh! :P"

"Ang sama mo!" sigaw ni Cloud sabay tayo naman niya. Feeling ko makakatikim ako ng kutos sa lalaking to kaya agad na akong tumakbo

"Tabi! Tabi! Padaan ako!" sigaw ko nang makadaan sa gitna nina Cherry at Sky

"Hoy! Hintayin mo ko!" sigaw ni Cloud

Naghabulan kaming parang bata dito sa may garden. Lokong Cloud to!

***

CHERRY'S POV

Parang batang naghahabulan sina Jesx at Cloud ngayon. Habang tinitignan ko sila parang nakita ko kami ni Cloud dati. Nung medyo mga bata pa kami at walang pakealam sa mga ibang tao.

Ngayon ko nalang din nakita ang smile na yan ni Cloud, yung mga ngiti niyang totoong totoo ngayon. Para naman akong naging estatwa dito habang pinapanood sila.

Bakit ganito ang pakiramdam na makitang masaya ang bestfriend ko sa piling ng ibang babae? Bakit pakiramdam ko naiinggit ako sa kanila?

Napatingin naman ako kay Sky na katabi ko. Diretsyo at seryosong seryoso ang tingin niya kina Cloud at Jesx. Nang mapatingin ako sa left hand niya, napansin ko na naka kamao yun at para siyang nanggigil na ewan.

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon