CHAPTER 71 - NOW I KNOW

32K 545 82
                                    


MILLE'S POV

Hurt hurt hurt! Aish! Bakit ba kailangang masaktan pa sa tuwing may nagugustuhan o minamahal tayo? Hindi ba pwedeng maging masaya nalang?

Dahil sa ayaw kong may masaktan sa kanilang dalawa, nakalimutan ko tuloy na hindi pala maiiwasan yun kahit anong gawin ko at ang mas masakit pa dun ay yung taong mas mahalaga sa akin ang nasasaktan at nahihirapan. Pero hahayaan ko nalang bang masaktan ko palagi si Ash? Hahayaan ko nalang bang nahihirapan siya?

"Mahal mo na pala siya." nanlaki naman ang mga mata ko sa boses na narinig ko. That's Dustin.

Nandito ako ngayon sa upuan sa likod ng puno na tambayan namin.

"Dustin." anung dapat kong sabihin sa kanya ngayon?

Nakita niya kasi tong notebook ko na kanina ko pa sinusulatan ng kung anu-anong nilalaman ng puso at isipan ko.

Madalas ko tong ginagawa, ang mga salitang hindi ko magawang sabihin, sinusulat ko nalang yun at kahit papaano gumagaan ang pakiramdam ko.

Ngayon lang may nakabasa ng sinulat ko at kahit mga kaibigan ko hindi nila alam na ginawa ko ang ganito. Ang malas pa na si Dustin pa talaga ang nakakita >_<

Umupo nalang sa tabi ko si Dustin habang binabasa niya yung hawak niya ngayon na notebook ko.

"Nahihirapan ka na pala, bakit hindi mo man lang sinasabi sa akin?" tanong niya bigla

"Hmmmm anu kasi ( _ _)" sumagot ka kaya ng maayos Mille

"Kung mahal mo siya, sana matagal mo ng sinabi sa akin para di na sana ako nakagulo sa inyo."

"Hindi ka naman nakagulo Dustin. Kung tutuusin ikaw pa nga ang nakapagpalinaw ng nararamdaman ko."

Ngumiti naman siya pero yung ngiti niya, hindi yun ngiti ng taong masaya kundi ngiti ng taong malungkot.

"Dapat palang mainis pa ako sa sarili ko dahil ako pa pala ang naging dahilan na sarili kong pagkatalo."

"Hindi naman yun sa ganun Dustin."

"Wag ka ngang malungkot Mille. Tanggap ko naman. Marunong naman akong tumanggap ng pagkatalo. Isa pa, si Ash, si Kuya Ash siguradong magiging masaya siya pag nalaman yan."

"I'm sorry Dustin."

"Hindi mo kailangang magsorry. I'm happy for you." sabay ngiti niya

"Sorry talaga Dustin. Sinubukan ko namang maging fair sayo. Lalo na at ikaw ang blackstar ko."

"Nakokonsyensya naman ako lalo sa sinabi mong yan." bakit siya pa ang nakokonsyensya?

"Bakit ka nakokonsyensya? Ako nga tong dapat makonsyensya."

Tumingin naman siya sa akin tsaka siya tumingin sa bracelet ko na galing sa kanya.

"Yang bracelet na yan, hindi yan sa akin. Si Ash ang may-ari niyan." is he serious?

"Paanong si Ash ang may-ari nito?" napahawak ako sa bracelet ko. Naguguluhan ako.

"Itong blackstar na tattoo ko, meron din nito si Ash. Kami lang dalawa ang meron nito dahil kami mismo ang naglagay." meron din si Ash ng tattoo na yun? Paanong hindi ko yun nakikita?

"Wala naman akong nakikita tattoo niya."

"Nakatago ng wrist band."

yung wrist band niya? Kung tutuusin, dun nga nakalagay yung tattoo na nakita ko, kaya nga nang makita ko ang tattoo ni Dustin inakala ko na siya si blackstar

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon