Chapter 21 - ASH's TORPEISM, LHEI's BAD MOOD and THE NEW GIRLS

30.1K 595 23
                                    

Chapter 21 - ASH's TORPEISM, LHEI's BAD MOOD and THE NEW GIRLS

LEI's POV

Lumabas na nga ako para sundan si Ash. HAHA to talagang si Leader napakaseloso, hindi pa yan nagtatapat sa lagay na yan ha? paano pa pag naging girlfriend niya yun si Mille edi baka di na malapitan ng iba yun at hindi na rin makausap, baka kahit tingin bawal na rin. HAHA

"Wala ka ba talagang ibang magawa kundi pagtripan ako? Ilang beses ko bang sasabihin sayo na bawal mo siyang hawakan." sabi ni Ash at yung mga tingin niya, naku po! HAHA

"Peace bro! ^_____^V Eh kasi naman bakit di ka pa magtapat sa kanya?"

"Oy Lei! Alam mo namang mahirap yan!" sigaw niya sa akin. Halatang hirap nga siya. HAHA Paano ba naman isang leader ng gang tameme sa isang babae? walang ibang magawa kundi tignan lang mula sa malayo? di man lang makalapit at di rin niya magawang kausapin? Kung tatanungin niyo ko sa kahinaan ng leader namin na to, halata bang si Mille ang sagot? Pero wag kayo, makikipagpatayan yan para kay Mille, maniwala kayo o sa hindi makakapatay talaga yan pag ginalaw ang babaeng matagal na niyang lihim na gusto.

"Alam mo bro baka maunahan ka pa ng iba niyan." totoo naman, posible naman maagawan siya, muntikan na nga nun.

"Alam ko naman yan, pero ewan ko ba kung anong meron siya at pag malapit ako sa kanya wala akong gustong gawin kundi ang titigan siya, kahit gusto kong magsalita hindi ko naman magawa." problemado talaga ang itsura ni Ash, pero alam niyo natuwa yan ng malaman na ililipat ang mga Moronsx sa section namin kasi naman mababantayan niya si Mille. Bakit ko ba ikinukwento sa inyo ang malaking problema ng leader namin? Baka magalit to sa akin.

"May sakit ka rin na torpeism noh bro?" sakit ng mga torpe na gwapo.

"Kung ano ano naman pinagsasabi mo."

"Alam mo sabi niya sa akin kanina natatakot daw siya sayo."

"ANO?!" napalakas talaga ang boses ni Ash dahil sa sinabi ko

"Natatakot daw talaga siya sayo."

"Sh*t! Bakit siya takot sa akin? Mukha ba akong si Sadako?" HAHA adik to, si Sadako talaga ang unang taong papasok sa utak niya pag takot o horror ang pinaguusapan kasi naman takot na takot siya dyan kay Sadako

"Siguro kamukha mo si Sadako? HAHAHA"

"Hoy Lei! Yung babaeng di nagsusuklay na yun gumagapang at hindi marunong maglakad ay imposibleng kamukha ko, creepy nun! Sino bang matinong babae ang lalabas sa tv? Masasapak ko yung babaeng yun pag nagpakita yun sa akin."

masasapak daw? wag kayong maniwala dyan kay Ash, tatakbo muna yan bago niya yun masapak. XD

"Solid ka talaga bro. HAHAHA"

"Basta ayoko ng hinahawakan mo siya." seryoso na ulit ang mukha niya

"Oo na bro. ^____^V Pero bro pwede bang si Mille na ulit tutor ko? Ayoko dun sa brutal na Lhei na yun (_ _ )"

"Ayoko! Sa akin na siya ngayon. Kaya lumayo ka sa kanya."

"Kung maka angkin naman e tutor lang naman? Hindi grilfriend bro. HAHAHA Kilos kilos kasi."

"Basta ganun na rin yun." sabi niya at naglakad na kami pabalik sa room. Sarap kayang pagtripan nitong si Leader Ash kaya naman hindi ko maipapangakong lalayo ako kay Mille. ^_____^V

***

LHEI's POV

Asar naman talaga yung F4 member na yun! Anong feeling niya makukuha niya ang first kiss ko? Isaksak niya sa baga niya at itaga niya pa sa bato na hinding hindi siya ang magiging first kiss ko!

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon