CHAPTER 55 - NEW FRIEND?

18.9K 323 29
                                    

CHAPTER 55 - NEW FRIEND?

MICAH'S POV

Wag na natin pagusapan yung nangyari kahapon. Pwede ba yun? Bagong umaga na rin naman ngayon. TGIF!

"Micah, napano ka pala kahapon?" tanong ni Daryll. Diba kakasabi ko lang wag ng pagusapan? ( _ _)

"Hehehe wala naman."

Pagpasok sa school. Ayan at naglipana sa loob ang mga gangsters.

"Oh nandyan nanaman pala ang chenalulu gang." sabi ni Lhei

"Level up sila ha. Dati sa labas lang ng gate, ngayon nasa loob na." sabi naman ni Carse. Nagtataka ba kayo kung bakit namin kasama ngayong umaga to?

"Namimiss mo na snickers mo noh?" pangaasar ko sa kanya

"Tse! Kayo naman kasi, kung di ko lang kayo mahal, kay snickers ako sasabay." - Carse

"Aba! Dapat lang na sa amin ka sumabay. Wag maarts!" sabi naman ni Jesx

"Oh kamusta naman ang may pinakamahabang buhok natin na girlfriend?" tanong ko kay Mille na nakatingin sa mga gangsters

"Huh?" - Mille

"Huh ka dyan? Wala lang sa sarili? Hahaha" sabay tawanan naming lahat.

Alam niyo bang di namin tinigilan yan sa panunukso kagabi. Tinanong pa talaga naming kung anong feeling ng halik ni Ash? at kung may nakita ba siyang abs? Haha! Kinilig ang loka kagabi, syempre pati kami halos maihi sa kakiligan. Not to mention ang heartbreak ko kahapon. That hurts! Kaya makikikilig nalang ako sa mga kaibigan ko.

"May kasama pala ang chenalulu." sabi ni Aliss

Napatingin naman kami dun at "Pft! Hahahahaha!" malakas na tawanan namin. Di namin napigilan na di matawa nang makita namin ang sunod na gang na pumasok sa school. Kung titignan mo sila, hindi sila mukhang gangsters.

"Hahaha! Gangsters ba yung mga yun?" tawang tawang tanong ni Jesx

"Mukha silang--pft!" di mapigilang pagtawa ni Mille

"Mukha silang---" sabi ko tapos sabay sabay naming sinabing "SHREK! Hahahaha!" ang tataba kasi nila tapos imbis na red or black ang suot, para maiba lang sila, ayan at naka green ang mga gangsters na to.

"Hoy! Anung tinatawa tawa niyo dyan?!" sigaw ni pinunong Shrek sa amin. Sabi sa inyo, panira kami ng madilim na aura dito dahil sa pagtawa namin.

"Sino ka para sigawan sila?!" boses yan ni Ash na papasok na sa gate kasunod ang Fierce Gangsters. Ibang iba ang aura ni Ash ngayon. Kung madalas siya lang ang pacool na tahimik na leader, ngayon siya pa talaga ang unang nagsalita.

Nakatingin siya ng masama kay pinunong Shrek.

"Sa wakas at nandito na rin kayo! Bwahahaha!"

"Di naman ganyan ang tawa ni Shrek." sabi ko

"Anung sabi mo?!" sigaw niya sa akin nang marinig ang pagtawag ko sa kanya ng Shrek, e sa mukhang Shrek naman talaga sila.

*BOOGS!*

Parang isang kurap lang e tumba agad tong si pinunong Shrek. Nang tignan ko kung sino yung sumuntok sa kanya, si Cliff pala.

Tumingin sa akin si Cliff pero tinignan ko lang siya ng masama. Tumingin din sa akin yung mga kaibigan ko na parang nagtatanong gamit ang mga mata nila, pero nginitian ko nalang sila.

"Umpisa nanaman ng exercise." sabi ni Lei

"Saktong sakto to at badtrip ako kagabi pa." sabi naman ni Eli tsaka na sila sumugod sa Shrek Gang.

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon