CHAPTER 60.2 - HAPPY?

18.2K 312 40
                                    

DARYLL'S POV

Guess where I am right now? Oha! English yan! Haha. Ganda ng pambungad ko noh?

So heto nga at nagtatago ako sa garden. Wala kasi talagang masyadong tao dito, kaya mas magandang tumambay. Busy kasi ang mga estudyante sa preparations ng booths at event for tomorrow.

Isa pang dahilan kung bakit ako nandito? Tamad ang mga teacher namin, dinahilan ang event bukas para di pasukan ang mga subjects namin.

Isa pa ulit na dahilan, nagtatago kasi ako kay

"Akala mo ba matataguan mo ko?" sasabihin ko palang na tinataguan ko siya eh! Naman!

"May lahi ka bang aso at nasusundan mo ko kahit saan ako pumunta?!"

"Hindi ko na kailangan magkaroon ng lahing aso para malaman kung nasaan ka."

"Kasi meron ka na talaga nun!"

"Hindi. Simple lang, kasi sinasabi ng puso ko kung nasaan ka." nakngteteng! Bumabanat nanaman siya! Leche flan! Tibok-tibok! Palabok! Spaghetti! Pansit! Teka? Ayaw ko nga pala ng pansit! Fruit salad nalang!

"Kinikilig ka ba masyado kaya di ka makapagsalita?"

"Blue, orange ka ba?"

"Bakit?!"

"Sunkist (isang kiss) naman dyan! Hahahaha!"

Ganyan naman siya --> =___=

"Oha? Masyado kang nagandahan sa banat ko noh?" sabay siko ko pa sa kanya. Brad lang noh? Haha!

10%

30%

50%

70%

100% Process Completed!

"Teka! Bakit mo ginawa yun?!" sigaw ko ng matauhan ako sa bigla niyang ginawa

"Sabi mo isang kiss, kaya binigyan kita ng isang kiss sa cheeks. Gusto mo ba sa lips?" sabay lapit niya naman kaya automatic akong nagninja moves palayo sa kanya

"Wag mong maitry ulit na halikan ako sa lips, kung hindi tatamaan nanaman ang hindi dapat matamaan!" pagbabanta ko sa kanya

"Wag kang masyadong brutal. Sayang naman ang magiging lahi ko kung sasaktan mo nanaman ako."

"Pinanganak ka kasing masakit sa bangs noh?"

"Masakit sa puso hindi ba?" napangiting aso nalang ako sa sinabi niya.

Kailan ba ako titigilan ng kalokohan ng lalaking to?

Kailan? Tell me! >_<

***

MILLE'S POV

1-1 --> yan ang nakasulat sa handy dandy purple small notebook ko

*Sigh* Hindi naman dapat ako mahihirapan ng ganito kung hindi dahil sa biglang pagsabay nila ( _ _)

"1 all ang score?" agad ko naman naitago ang notebook ko pero huli na ang lahat dahil nakita na ni Max

"Hehe! Secret lang natin to ha?"

"Oo naman." nakangiting sabi niya sabay upo sa tabi ko

"Salamat. ^_^"

"Mahirap bang magdecide?"

"Medyo. Ang nagpapahirap lalo sa akin yung fact na magkapatid sila."

"Madali lang naman yan."

"Madali? Paano?"

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon