Chapter 44.4 - A DATE TO FORGET

20.2K 358 13
                                    

Chapter 44.4 - A DATE TO FORGET

DARYLL's POV

Nandito na ako sa resto ng nanay ni Blue. Sana naman maisipan ng lalaki na yun na magpunta dito. Pero, pupunta ba yun dito lalo na at sinabi kong magdate kami? Tss naman kasi!

"Buti at narito ka. Ikukuha muna kita ng makakain." sabi nitong nanay ni Blue

"Ah wag na po. May hinihintay pa po kasi ako." actually, nagugutom ako pero nakakahiya kasi, teka, nahihiya ako? Meron pala ako nun.

"Sino?"

"Si Blue po. Sana nga lang po magpunta siya dito."

"Ganun ba? Kailangan ko palang mag-ayos dahil baka dumating na siya. Maiwan muna kita dito. Salamat ha." agad-agad naman pumunta na sa loob ang nanay niya. Siguro mag aayos yun dun.

Ako naman uupo muna dito at tutunganga kahit na gutom na gutom na ako. Sana palang humingi man lang ako ng drinks. *sigh*

Time check: 5:30pm

Nasaan na kaya yun?

5pm yung labas namin ha. Nasaan na kaya siya? Hindi kaya busy nga? Tss. Anu naman pagkakaabalahan ng lalaking yun?

Time check: 6:30pm

Aba! Isang oras na ang nakakalipas!

"Isang oras ka ng nandito pero wala pa siya." sabi ng nanay niya na nakaayos na pero malungkot ang itsura

"Dadating po yun. Sigurado po ako." ngumiti ako para mabigyan man lang ng assurance ang nanay niya.

Time check: 7:30pm

Dalawang oras na akong naghihintay dito! Poteek na Blue yan!

"Mukhang hindi na siya dadating." tumayo na ang nanay niya at sobrang lungkot nito. Nakakaawa. Nakakainis naman kasi yung Blue na yun. Nakakahiya pa tuloy na pinaasa ko lang ang nanay niya *sigh*.

"Akala ko umalis ka na." napatingin naman ako bigla sa nagsalita. Sa wakas!

"Blue! Sa wakas at nandito ka na! Sabi ko na nga ba at darating ka!"

"Ganyan mo ba talaga ako kagustong makadate at napayakap ka pa sa akin sa sobrang tuwa." ayy! Hindi ko namalayan na napayakap ako sa kanya. Humiwalay na ako sa pagkakayakap ko sa kanya.

"Oy ikaw! Bakit ngayon ka lang? Pinaghintay mo ko ng dalawang oras!"

"Sinabi ko na sayong busy ako. Ikaw lang tong mapilit na gusto ng date. Pasalamat ka pa nga at napakiusapan ko ang Lolo ko na umalis sandali para makapunta dito." oh? Ibig sabihin busy talaga siya at nakiusap pa daw siya sa lolo niya para mapuntahan ako?

"Oh gusto mo niyan matouch ako?!" pero sa totoo natouch nga ako. Haha. Kasi naman eh kahit pala ganyan to marunong din palang magpakilig kahit konti.

"Bakit dito tayo magdadate? 1st date ko to kaya dapat sa isang romantic na resto." umupo na siya sa upuan sa tapat ko, naupo na rin ako ulit at prinoproseso ang sinabi niya na 1st date niya to.

"Di nga 1st date mo?"

"Kakasabi ko lang diba? Pasalamat ka at tinaggap ko ang alok mo. Marami ang may gustong makadate ako pero ikaw lang ang sinipot ko."

"Okay umiiral nanaman kayabangan mo. Alam mo mag-order nalang tayo dahil gutom na gutom na ako."

"Hindi ka man lang ba nag-order? Ginugutom mo sarili mo. Menu please!" sabi nito sa isang waiter at iniabot na sa amin ang menu. Nakapili na kami nang order, pinalapit ko sa akin yung waiter at binulungan na sabihin sa nanay ni Blue na nandito na siya.

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon