Chapter 23 - TUESDAY CRAMMING CONT.

29.6K 593 55
                                    

Chapter 23

DARYLL's POV

Sa klase. Heto at si Eli lang ang tinuturuan ko. Kasi naman si Blue nakakapuno na talaga at hinayaan ko nalang siya sa ginagawa niya kaysa naman pilitin ko pa yun. Nakakasar na talaga eh.

Kung nagtataka kayo kung bakit wala kaming klase, simple lang naman, ganito kasi talaga dito sa Empire Academy, laging Thursday ang start ng exams kaya naman pagka Monday nun konting reviews and reminders from our teachers tapos tuesday and wednesday ay binibigay sa aming mga estudyante para magreview o kaya naman gumawa ng mga projects.

"Diba usually pag ganitong araw absent kayo?" tanong ko kay Eli

"Yeah, pero kasi si Ash ayaw umabsent ngayon kaya heto kami at sumusunod kay leader."

"Aba! Sinisipag ba ang mysterious leader niyo?"

"Oo, inspired kasi yun."

"Inspired? Bakit may jowa ba siya dito sa school?"

"Ka babae mong tao, jowa tawag mo sa girlfriend? Kakaiba ka talaga. Haha" nakuha pa talagang tumawa nitong si Eli. Bakit ba? e uso naman yang salita na yan, salitang kanto. Haha

"Pati rin naman mga kaibigan ko ganyan ang tawag sa mga karelasyon na di sineseryoso."

"Oy wag ka, seryoso si Ash sa kaibigan niyo."

"Ano kamo?!" nashock talaga ako sa narinig ko mula kay Eli. Sinong kaibigan namin?

"Ah wala wala. Mag-aral nalang tayo ulit. Oy Blue, halika ka na dito, masaya naman tong English." umiiwas siya sa tanong ko, naku ha, sino kaya yun. Nakakaintriga, hindi kaya si Lhei?

"Ayoko! Wala naman kwenta yang nagtuturo sa atin eh." sagot ni Blue kay ELI, aba't mukhang naghahamon nanaman ng gulo tong taong to, wait! Hindi nga pala siya tao, isa siyang kulay! kulay na malapit ng kumupas. Humanda ka sa akin.

"ARAY! Anung problema mong babae ka?!" sigaw ni Blue ng bigla kong ihagis sa kanya yung libro ko, saktong tumama sa ulo niya

"Hahaha hanep ka talaga Daryll." sabi naman ni Eli

"Anung problema ko? Ikaw ang problema ko! Problemang malapit ko ng burahin sa mundo!"

"Pinagsasabi mo! Tigilan mo nga ako!"

"Tigilan ka? Sira ka ba? Kailangan mong mag-aral!"

"Haha hanep ang sigawan niyo. Sigaw pa!" sabi ni Eli. Lokong to, imbes na pigilan kami, nagchecheer pa. Gustong gusto ha.

"Ilang beses ko ba sa---leche naman! Bitawan mo yan!" nagsisigaw siya lalo kasi naman lumapit ako sa kanya at kinuha ang psp niya, akala ba niya di ko alam na yan ang isa sa pinakaiingatan ng mga lalaki

"Sisirain ko to pag di ka pa nag-aral!"

"Anung akala mo matatakot ako sayo?!"

"Wag mo kong subukan Blumentrit!"

"Aish! Akin na yan!"

"Isa." at akto akong ihahagis ang psp niya

"Bitawan mo yan!"

"Dalawa!"

"Malalagot ka sa akin pag di mo yan binitawan!"

"Blue, seryoso yan, di marunong magbiro yan si Daryll sige ka." pananakot ni Eli

"Tat---"

"Tss! Leche ka talagang babae ka! oo na, magaaral na! Ibigay mo na yan sa akin!"

"Yun naman pala eh, ibibigay ko to sayo pag nakapasa ka, sa ngayon akin na muna to."

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon