163: School Retreat - Day 2

201K 3K 463
                                    


1. Puyat Na Zombies.

Pare-pareho kaming parang mga zombie nina Ara, Mina at Rose noong nagwake-up call na. Paano ba naman, anong oras na kami nakatulog kagabi-actually kanina lang pala. Kaninang madaling araw.

Inaya kasi nila ako na makipagchikahan ng kung anu-ano. Hindi naman sana ako payag sa ganitong puyatan kaso nasuhulan nila ako ng mga iba't ibang flavor ng potato chips na baon nila. Alam na talaga nila ang kahinaan ko.


2. Stolen Shots.

Sa mga ganitong klaseng event, hindi talaga mawawala ang kuhaan ng stolen shots. Ito ay para may mapag-usapan, mapagtawanan at may mabalik-balikan pagdating ng panahon.

Matapos ng morning assembly at habang nagbi-breakfast na ang lahat, nabuhay ang mga katawang lupa namin nang maglabasan na ng mga pictures. Na-hyper ako bigla nang may magpasa sa amin ng picture na magkasama sina Deane at Kasper... sa hot spring!

AKO: Hala! Saan niyo nakuha 'to?

MINA: Kay Timothy! Hahaha!

ROSE: Naabutan na lang daw nilang nagsasarili ang dalawang 'yan sa hot spring!

MINA: And take note! Nagha-heart-to-heart talk raw!

AKO: Oh my God! Ang DeaPer feels ko! (Nilabas ang sariling phone) Ipasa niyo sa akin, dali!

KASPER: (Nakalapit na rin sa amin) Oy! Ano 'yan?

ARA: Kayo ha! Nagmo-moment pala kayo ni Deane sa hot spring! Ahahaha!

KASPER: Anak ng! Sino kumuha niyan? At hoy Stacey! Binu-bluetooth mo pa!

AKO: (Walang pake) Na-receive ko na! Yey!

KASPER: Heto dapat ang hinihingi mong picture eh. (Nilabas na rin ang kanyang phone)

ARA: Uy! May stolen shot ka rin?

MINA & ROSE: Patingin! Patingin!

KASPER: Picture ni pards habang natutulog! Ipasa ko na sa'yo, Stacey.

AKO: Eh? Ano namang gagawin ko dyan?

ARA: Remembrance!

KASPER: Gawin mong wallpaper para pareho na kayo ni pards!

ARA, MINA & ROSE: Sheeesh! (Sabay-sabay na tinakpan ang bibig ni Kasper)

AKO: Um... anong ibig mong sabihin na para pareho kami ni Deane?

KASPER: Ah... eh... (Pinagpawisan. Hindi na nakapagsalita)

DEANE: (Saka pa lang din nakalapit sa amin) Yecats! May picture ka rito habang natutulog ka. Ginawa kong wallpaper ha? Ang cute mo.

AKO: Ano?! (Tumingin ng masama sa kanila) Sinong kumuha 'nun!

ARA, MINA & ROSE: (Dahan-dahang napaatras habang naka-peace sign)

Ako rin pala, biktima rin sa modus operandi na kuhaan ng stolen shots. Kahit anong pilit ko naman kay Deane na burahin 'yung picture ko, ayaw niya. Kainis!


3. Social Activities.

Matapos ang almusal at sandaling pahinga, muling pinagsama-sama ang mga estudyante para sa iba't ibang social activities. Walang specific groupings, basta halo-halo lang lahat ng sections kaya iba't iba rin ang nakakasalamuha namin.

Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon