100: Sticky Notes

140K 2.8K 352
                                    


Sa wakas, nagsimula na ulit ang klase. Pagpasok ko kanina, saktong nagkasalubong na kami nina Ara, Mina at Rose. Miss na miss din naman pala nila ako, ramdam ko 'yun. At may kanya-kanya silang dahilan kung bakit hindi sila ma-contact kaya naintindihan ko naman.

Nakakatuwang marinig ulit ang ingay nila. Pero mas natatawa ako sa non-stop reklamo nila na bitin raw ang bakasyon. Hindi nila alam, sobrang saya ko natapos din iyon.

Pagdating namin sa loob ng school, naabutan naming nagkukumpulan naman ang napakaraming estudyante doon sa harap ng bulletin board. Kadalasan naman ay dinadaan-daanan lang ang lugar na iyon.

ARA: Anong kaguluhan kaya 'yun?

MINA: May important announcement ba?

ROSE: Sana extended ang sembreak! Tara, silipin na natin!

Lumapit na kami upang makiusyoso at nagulat nang malaman kung ano talaga ang dahilan ng kaguluhan. Halos pinuno ng sticky notes 'yung bulletin board. Bawat isa ay may nakasulat na 'confession' at ilan lamang ito sa mga nabasa ko:

"I love how precious your smile is because you seldom show it."

"I love how beautiful your voice is even if you never talk to me."

"I love how everytime I look at you, you inspire me."

"I love how you take my breath away whenever you walk in front of me."

"I love how my heart skips a beat even just by thinking of you."

Yikes! Sobrang cheesy! Pero matindi ang reaksyon ng lahat, lalo na rin ang mga kasama ko.

ARA: Oh my God! Ang sweet! Nakakakilig!

MINA: Sino kayang may gawa niyan?

ROSE: May dumaig sa confession ni Kasper!

KASPER: (Biglang sumulpot at kasama na rin niya si Deane) Oy! Narinig ko pangalan ko?

DEANE: Anong meron?

ROSE: Look! Love confession!

DEANE & KASPER: Para kanino?

Napansin naming lahat na may nakahiwalay pang sticky note na may naka-drawing naman na arrow. Excited sina Ara na sundan ang direksyon 'nun kaya napilitan na lang din akong sumunod sa kanila.

Sa dulo, matatagpuan ang isa pang kumpol ng mga estudyante na mas matindi na ang hiyawan at kiligan. Pero nang makita nila ang grupo namin na papalapit, natahimik sila at siniko ang isa't isa. Binigyan pa nila kami ng daan para masilip namin kung anong nakapaskil doon. May nag-iisang sticky note kung saan nakasulat ang mga salitang, "I love you..." at sa ilalim ay may picture ng nakabuklat na notebook kung saan malinaw na nababasa ang isang handwritten name, 'Stacey Esteves.'

Napatingin ang lahat sa akin. Shet! Ako 'yun ah.

Pero isang malupit na shet pa ulit! 'Yung picture na ginamit ay kuha mula sa first entry nitong journal ko!



Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon