151: Foundation Week - Day 4

130K 2.4K 433
                                    


Day-off naming magbabarkada ngayon. Wala kasing kawala kanina 'yung mga kaklase naming madalas tumakas sa trabaho. Kaya bilang parusa sa kanila, buong araw ang shift nila ngayon. Isa pa, gusto rin naman naming mag-enjoy! 4th day na kaya ito. Kami naman ang magsasaya!

Inuna naming puntahan ang lower years at inisa-isang dalawin ang bawat rooms. Magaganda ang mga naabutan naming pakulo pero mas maganda pa rin talga 'yung sa amin. Hindi ako nagyayabang dahil kita rin sa dami ng mga dumadayong tao.

Sa gitna ng aming kasiyahan, isang grupo ng mga estudyante ang biglang sumulpot. Hindi ko na maalala mga pangalan nila pero mga dating classmates ko rin sila mula naman sa last section.

STUDENT 1: Stacey, pwede bang sumama ka sa amin?

KASPER: Saan niyo siya dadalhin?

STUDENT 2: France ang nire-represent naming country. At 'Paris: the City of Lovers' ang theme ng section namin. Meron kaming wedding invitation para sa kanya.

ARA: Wedding invitation?

MINA: Sinong ikakasal?

ROSE: Stacey, alam mo ba 'to?

AKO: Hindi.

STUDENT 3: Sumama na rin kayo bilang witnesses!

Isinama na nila kami sa room nila. Sa ayos pa lang nito, may kasalan ngang magaganap! May mga audience din na kataka-takang karamihan ay mula sa first section. Kaninong kasal ba 'to at bakit ako invited?

Panibagong boses ang tumawag sa pangalan ko. "Stacey! Thank goodness you're here!" Nanlaki ang mga mata namin nang makita si Amanda na nakapang-wedding dress. "Magpaayos ka na! Ikaw ang maid of honor ko!"

Nahila na nila ako palayo kina Kasper 'nun. Dinala nila ako sa tinatawag nilang 'bride's room' at doon inayusan. Pinasuot nila ako ng puting palda, nilagyan ng burloloy sa ulo at binigyan ng maliit na bouquet.

Kung ako ang maid of honor at si Amanda naman ang bride, ibig sabihin ang groom ay si...

"Deane! Nahanap na nila si Deane!"

Nasilip ko sa maliit na awing sa kurtina ang pagdating ni Deane na taking-taka. Nagulat nga rin siya nang makita sina Kasper sa audience ngunit hindi niya ito malapitan dahil kinailangang ayusan na rin.

Ilang sandali, nagsimula nang tumugtog ang isang himig na pang-kasal. Lalong nag-ingay sa kilig ang crowd nang patayuin na si Deane sa harap ng altar.

Samantala, pinaghanda na rin kami sa magiging entrance namin. Isa-isa nang naglakad sa aisle 'yung mga kunwaring flower girls at mga abay.

Habang palapit na ng palapit ang entrance ko, naramdaman ko pa muna ang kamay ni Amanda sa balikat ko. Binulungan niya ako at napansin ko agad na tila ba may nagbago—o nagbalik sa tono ng kanyang boses. "Ito na 'yung surprise ko, Stacey. Smile and don't you ever let me down."

Parang hindi naman nakikiusap kundi nagbabanta ang dating sa akin 'nun. Kaya nga napiga ko rin 'yung bouquet na hawak ko.

Sinenyasan na ako ng estudyanteng organizer na ako na ang susunod na lalabas. Pero napapikit ako, huminga ng malalim at humakbang na... para lingunin at harapin si Amanda.

"No." Madiin ang pagkakasabi ko.

Nagtaka nga siya. Nataka rin ang ilang taong nakakakita sa seryoso kong mukha. "What do you mean?"

"No. Ibig sabihin, hindi. Ayoko."

Sa harap niya, binagsak ko sa sahig 'yung bouquet na kanina ko pang pinipiga. Tapos ay hinubad ko na 'yung puting paldang pinasuot nila sa akin at tinanggal na rin 'yung pinaglalagay nila sa buhok ko.

Aalis na sana ako, pero napigilan ako ni Amanda. At ang nakakagulat lang, nakakatayo at nakakapaglakad na pala siya kahit wala nang gamit na saklay. Kasama rin ba 'to sa surprise niya? Pero kailan pa siya gumaling?

"Ipapahiya mo ako?" Hinigpitan pa niya ang kapit sa braso ko at gigil sa pagsasalita. "Maglalakad ka lang naman sa gitna! Mahirap bang gawin 'yun?"

"Oo, mahirap para sa akin! Kaya maghanap ka ng lang ng ibang uutusan mo!"

"But it has to be you!"

"Bakit? Para ipamukha sa lahat kung gaano ako katanga? Malaking pagkakamali na tinaggap ko 'yung deal na hiniling mo noon. Pinaubaya ko si Deane kahit gusto ko rin naman siya! Pero kung gusto mong ituloy 'to, hindi naman kita pipigilan. 'Wag mo na nga lang asahan na magtitiis akong panoorin lang kayo!"

Pwersahan ko na ring inalis ang kamay ni Amanda para bitawan niya ako. At sa pagwo-walkout ko, wala ring ibang way kundi patungo doon sa aisle. Nang lumabas ako, napatingin ang lahat sa akin at maging si Deane ay nabigla rin.

Alam kong narinig nila ang pag-aaway namin ni Amanda. Sigawan kaya 'yun. At 'yun na rin yata ang pinamalakas na pagsagot na nagawa ko sa tanang buhay ko. Ngunit hindi ko ikinahihiya ang mga pinagsasabi ko dahil sa unang pagkakataon, nasabi ko ang mga gusto kong sabihin ng walang pagdadalawang-isip. And it felt good!

Wala nang pwedeng mang-api sa feelings ko kaya taas-noo na akong naglakad paalis sa lugar na iyon.



Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon