143: Japan

123K 2.1K 90
                                    


Para sa Foundation Week namin next week, ewan ko ba kung bakit United Nations ang napiling theme ng school namin. Hindi pa ba sapat sa kanila ang celebration 'nun tuwing October?

Kaya kanina, bunutan ang bawat years and sections ng country na ire-represent nila at ibabase naman doon kung ano ang gagawing pakulo ng classroom nila. Japan ang napunta para sa section namin.

Agad-agad, parang otaku expo ang napagkasunduan ng klase namin. Bukod sa magbibenta kami ng mga anime merchandise, ang main highlight ng room namin ay ang cosplay photobooth. Bale, magpo-provide kami ng iba't ibang anime costumes na pwedeng suotin ng customers para makapagpa-picture sila.

Medyo excited na rin ako. I love Japan and their culture! And since ito na rin ang huling foundation week na mararanasan ko bilang isang high school student, gusto kong maging memorable talaga ito.

Isa pa, 50% ng kikitain namin ay mapupunta sa isang foundation. Masaya na, makakatulong pa kami kaya nga hindi na ako makapaghintay.

Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon