52: The Friendly Ghost

180K 3.7K 375
                                    


Dahil nakalimutan kong ibalik kahapon ang G-Tec ng kaklase ko, bago mag-recess ay hinarap ko siya para isaoli ito at magpasalamat. "T—thank you." nahihiyang sabi ko at iniabot pabalik sa kanya ang ballpen niya.

Kaso hindi niya agad kinuha. Nakatulala lang siya sa akin at parang sobra siyang na-surpresa, "Sa tagal na nating magkaklase, ngayon lang kita narinig magsalita. Ano ulit pangalan mo?"

Medyo nagpanic ako 'nun. Ang balak ko lang ay mag-thank you. Hindi ko balak makipag-kilala kahit pa kaklase ko siya. Sorry, ang anti-social ko talaga. Pero...

"Ako si Kasper Jacinto," pakilala niya.

Kasper? Sandaling lumipad ang utak ko para isipin kung bakit pamilyar ang pangalan niya. Kasper Jacinto. Pamilyar siguro dahil magkaklase kami? Pero malakas ang pakiramdam ko na hindi lang dahil doon! Minsan ko nang narinig ang pangalan niya bago pa kami naging magkaklase ngayon!

"Hulaan ko ang iniisip mo! Porket Kasper ang pangalan ko, naiisip mo 'yung friendly ghost noh?"

"Ha? Hindi..."

"Hindi?" Bigla siyang natawa na parang nahiya. "Madalas kasi nilang ibanat sa akin 'yun kapag nagpapakilala ako."

Sila 'yun. Hindi naman ako kasing korni nila. Pero, iniisip ko pa rin talaga kung sino ang Kasper na ito? Kasper... Kasper...

Bigla na lang siyang yumuko palapit sa akin. Akala ko kung ano nang gagawin niya pero sinilip lang pala niya ang pangalan ko sa suot kong ID, "Stacey Esteves." Saka pa lang niya kinuha ang G-Tec niya pero kasabay nun ang pag-abot niya rin sa kamay ko, "Nice meeting you, Stacey."

Hindi na nga ako nakapag-react eh. Nauna na rin siyang umalis dahil tinawag na siya ng mga kabarkada niya bago pa raw sila maunahan ng pwesto sa cafeteria. Habang naguguluhan kung bakit pamilyar siya, sakto naman ang pagdating din ni Deane...

DEANE: Sino 'yun?

AKO: (Nagulat kaya napaatras ako ng ilang hakbang mula sa kinatatayuan ko) Ka—kanina ka pa dyan?

DEANE: Ngayon-ngayon lang. (At muli niyang nginuso ang direksyon ni Kasper) Sino 'yun?

AKO: Si Kasper.

DEANE: Kasper? The friendly ghost?

Napakunot ang noo ko sa joke ni Deane. Ang korni eh. Ayokong mahawa.

Pero Kasper... Kasper... Saan ko nga ba talaga narinig ang pangalan niya? Hindi ako mapakali sa mga ganitong palaisipan kaya napa-backread ako sandali sa journal ko sa pag-asang may naisulat akong something tungkol sa kanya. Luckily and surprisingly, natagpuan ko ang sagot sa entry #12!

Hindi Kurt, Kirk, Kirby, Kris, Kristoff, Krispin o Basilio. KASPER! Kasper ang pangalan ng crush ni Mel!


Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon