44: 500

174K 3.7K 357
                                    



Hindi pa man nagsisimula ang klase kaninang umaga, nakapulot ako ng 500 pesos sa hallway. Isa agad ang pumasok sa isip ko. Ang tanga ng taong nakawala nito. Ang burara niya para mawalan ng ganito kalaking pera! Pero maswerte siya dahil ako ang nakapulot nito. Kung sa iba siguro, binulsa na niya ito.

Kaya naman bago magsimula ang first class namin kay Mrs.Castillo (teacher namin sa El Filibusterismo) iniwan ko sa teacher's table 'yung pera na may kasamang note: 'Napulot ko po kanina. Pakibigay po sa kung sino man ang magki-claim.'

Buong first period, iniisip ko tuloy kung may magri-reklamo ba na nawalan siya ng pera. Naghihintay ako kung may magki-claim nga ba sa 500 na 'yun? Hindi kaya gastusin lang 'yun ni Mrs. Castillo? Hindi naman siguro.





CONTINUATION...

Hindi lang potato chips ang nilibre ngayon ni Deane kundi Jungle juice na rin. Ang saya lang niya at nagshi-share lang daw siya ng blessings ngayong araw.

Siya pala 'yung tangang nakawala ng pera! Pero mabuti na nga lang daw na noong ini-report niya 'yun, may mabait na nag-surrender kay Mrs. Castillo kaya nakuha niya ito pabalik. Ngayon, hawak pa niya 'yung note at hinalik-halikan pa ito sa harap ko. Hahanapin niya raw 'yung anghel na nagbalik 'nun.

Napatulala na lang ako. Shet. Ako ang 'anghel' na 'yun eh!




Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon