122: Hindi Sinasadya

130K 2.1K 200
                                    


Naiiyak ako. Hindi ko sinasadya ang mga nangyari kanina. Hindi ko gustong makasakit.

Last recess nang muli na namang magkasalubong kami ni Amanda. Like the usual, misyon niyang sirain ang araw ko kaya sinimulan niya akong awayin ulit at pagsabihan ng kung anu-ano.

Kanina, hindi na ako nakatiis. Nagsawa na rin ako na palaging ganito na lang sa tuwing nagku-krus ang landas namin kaya pinatulan ko na siya. Nakipagsagutan na rin ako. Lumaban ako. At pinamukha ko sa kanya na kahit ano pang gawin niya, hindi na niya mapuputol kung ano mang meron kami ni Deane ngayon.

Sa mga pinagsasabi ko sa kanya, maski ako ay nanibago sa sarili ko. Parang ang yabang ng dating ko. Parang ang sama ko. Parang ang selfish ko bigla. Sumobra nga yata talaga ako dahil sa unang pagkakataon, napaiyak ko siya. Ang desperada na ng dating niya.

Tapos dumating si Deane na mukhang hinahanap ako. Nasa hallway siya, ilang hakbang na lang ang layo sa amin. Hindi malayong narinig niya ang naging away namin.

Noong mga oras na 'yun, napaisip ako na baka palabas na naman ni Amanda ang pag-iyak niya. Sandaling nawala ang awa ko at muling bumalik ang matinding pagkainis. Dahil nasabi ko na rin naman na lahat ng gusto kong sabihin, nagpasya na akong iwan siya para lapitan na si Deane.

Kaso pinigilan pa rin ako ni Amanda. Sobrang higpit ng pagkahawak niya sa braso ko kaya naman nilakasan ko rin ang paghawi sa kamay niya.

Na-out-of-balance siya.

Nag-panic ako.

Aabutin ko pa sana ang kamay kaso huli na. Bumagsak siya sa hagdanan at agad na nawalan ng malay.

Nanlambot ang mga tuhod ko sa nangyari. Agad siyang nilapitan ni Deane pero hindi niya ito magalaw. Sinigawan na lang niya ako, "Yecats! Humingi ka ng tulong! Dali!"

Nanginginig ako pero nagtatakbo na ako para humingi ng tulong.

Nakasaklolo naman agad ang school doctor, teachers at mga guard sa amin. Pero humahagulgol na talaga ako 'nun kaya hindi na rin nila ako makausap ng maayos.

Sa mga oras na ito, naisugod na sa ospital si Amanda. Nandoon din si Deane ang sabi sa text niya, hindi pa rin daw ito nagigising. Kapag may nangyaring masama sa kanya, hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko.






Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon